Jasmine Curtis-Smith, pinakiusapang maka-love triangle ang LizQuen

by PEP Troika
Feb 5, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea / @jascurtissmith Instagram

JERRY OLEA: Handpicked ni Direk Antoinette "Tonet" Jadaone ang mga artistang sumuporta kina Liza Soberano at Enrique Gil sa pelikulang Alone/Together.

First time niyang naidirek dito si Jasmine Curtis-Smith.

 IMAGE Jerry Olea / @jascurtissmith Instagram

Nakangiting kuwento ni Direk Tonet: "Si Jas, minessage ko pa siya.

"Naalala ko, sabi ko kay Jas, 'Jas, meron akong movie, gusto kitang kunin. Kaso nga lang, maliit lang yung role. Hindi masyadong maraming eksena.'

Continue reading below ↓

"Tapos, natuwa ako kasi ang sagot niya, 'Oo naman, Direk, no role is ever small.'

"Sobrang natuwa ako. Ang tagal ko na kasing gusto siyang makatrabaho... napapanood ko lang siya. Natutuwa ako na naka-work ko na siya finally."

Nainterbyu namin si Direk Tonet noong Pebrero 3, Linggo ng gabi, sa The Rooftop, Katipunan Avenue, Quezon City. 

Special sa kanya si Jasmine?

"Nagagalingan ako sa kanya as an actor, e," sambit ni Direk Tonet.

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea

GORGY RULA: Lalong gumaling sa pag-arte si Jasmine, sabi ni Direk Joel Lamangan.

Halos lahat ng nakatrabaho niya ay puring-puri ang Kapuso actress, kaya mas maganda raw ang susunod na gagawin niya sa GMA-7.

Si Jasmine din dati ang supporting cast member sa pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza na Imagine You and Me (2016).

At ngayon ay makakatrabaho niya naman ang tambalan nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Kaya okay lang kung major support siya sa mga sikat na love teams, kahit wala siyang ka-love team.

Mas tatagal pa ang career niya at makikilalang isa sa pinakamagaling na aktres sa kanilang henerasyon.

Samantala, marami na ang umaangal na wala pa talagang kumikitang Pinoy film sa first quarter ng 2019.

Ang inaasahan nilang makakabawi ay itong Alone/Together ng LizQuen.

JERRY OLEA: Tampok din sa Alone/Together sina Adrian Alandy, Sylvia Sanchez, Nonie Buencamino, Mary Joy Apostol, at Xia Vigor.

"Naka-work ko before si Adrian. Alam ko, magagampanan niya yung role kung paano ko na-imagine," lahad ni Direk Tonet.

Continue reading below ↓

"Tapos, si Miss Sylvia naman, hindi naman secret na magaling siyang artista. Perfect siya for the role of the mother of Liza.

"Si Sir Nonie naman, ang role kasi niya rito, he's a professor-mentor of Liza.

"So, na-imagine ko, parang siya yung professor sa college na tina-trust mo yung opinion niya."

NOEL FERRER: Dream team talaga ang kasama sa Alone/Together with LizQuen, Jasmine, pati na si Adrian Alandy na nakasama na rin ni Direk Tonet sa Never Not Love You.

Sana, ito na ang puwedeng mag-break ng record sa box-office at attendance ng Pinoy audience. Can’t wait!

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / @jascurtissmith Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results