Paolo Contis, nasarapan sa breast milk ni LJ Reyes

GORGY RULA: "Jusko hahaha!" lang ang text sa akin ni Paolo Contis nang hiningan ko siya ng reaksiyon tungkol sa pag-trending ng post niyang iniinom ang breast milk ni LJ Reyes.

Halos 280,000 views na ang post niyang iyon sa Instagram.

IMAGE @paolo_contis / @lj_reyes Instagram

Marami ang natuwa, kahit ang iba ay kinakantiyawan na siyang inagawan pa ng gatas ang anak nilang si Baby Ayanna Summer.

Sabi ni Paolo, once lang niya nainom ang gatas ni LJ, pero nasarapan siya.

Type pa raw niyang uminom uli, pero baka pagalitan na raw siya ni LJ dahil naki-share pa siya sa gatas ng anak nila.

Bahagi pa ng text ni Paolo sa PEP Troika, “Gusto ko yung lasa, eh. I think depende sa kinakain ng mom yun, eh.

“Very healthy naman si LJ kaya siguro masarap for me.”

Narito ang video ni Paolo na iniinom ang breastmilk mula kay LJ:

View this post on Instagram

ISANG PAALALA: Breastmilk is still best for babies up to 34 years old... �???�???�???

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

NOEL FERRER: Akala kasi ng mga malilikot ang isip ay diretso ang pag-inom ni Paolo sa breast ni LJ. Hindi naman po ganun yun.

At least, nasarapan si Paolo.

Pero mag-take turns sana sila ng anak niya sa gatas ni LJ para hindi magkaubusan. LOL

JERRY OLEA: Breast milk is best for babies up to 34 years old! Biro iyan kay Paolo, na next month ay magdiriwang ng kanyang 35th birthday.

Sadyang masustansiya ang gatas ng ina!

Naalala ko tuloy ang breastfeeding scene nina Mylene Dizon at Kenji Motoki sa pelikulang Gatas... sa Dibdib ng Kaaway (2001), na idinirek ni Gil Portes.

Hindi ko rin makalimutan ang breastfeeding scene nina Rita Gomez at Al Tantay sa pelikulang Gamitin Mo Ako (1985), na idinirek ni Ishmael Bernal.

Huwag po nating dibdibin ang pag-inom ni Paolo sa gatas ni LJ!

GORGY RULA: Proud ang magkasintahang Paolo at LJ na ipinost na nila kahapon ang picture ni Baby Summer.

May mga nagsabing parang babaeng Aki ang hitsura ng baby, pero hindi raw aware ang anak ni LJ na siya ang kamukha.

Pero sobrang protective brother daw si Aki kay Baby Summer.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN