Gretchen Barretto, inimbitahan kaya sa reunion ng GMA Supershow co-hosts?

by PEP Troika
Feb 6, 2019
PHOTO/S: @dawnzulueta on Instagram

GORGY RULA: Masayang ikinuwento ni Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla na nag-enjoy silang dating co-hosts ng GMA Supershow sa kanilang reunion noong Pebrero 3, Linggo, sa Manila House sa BGC, Taguig.

“Ang saya namin, na halos kumpleto kami dun. Pati nga si Pops [Fernandez], kasama rin.

“Sabi ni Pops, hindi naman daw siya nag-host ng GMA Supershow ni Kuya Germs noon.

"Naging part daw siya dati yung Big Ike’s Happening Extravaganza!” natatawang kuwento ni Mayor Lani nang sandali naming nakatsikahan nitong Pebrero 5, Martes, sa pa-Chinese New Year lunch nila ni dating Senator Bong Revilla sa Anabel’s Restaurant, Morato Avenue, QC.

Continue reading below ↓
 IMAGE @dawnzulueta on Instagram

(L-R) Pops Fernandez, Maricel Laxa, Mariz Ricketts, Dawn Zulueta, Jackie Lou Blanco, Lani Mercado, Arlene Muhlach, & Rachel Ann Wolfe

Naimbitahan ba lahat ng hosts na dumalo sa kanilang reunion?

“Hindi na kita sasagutin diyan. Alam ko ang gusto mong palabasin. Ayoko maintriga diyan,” napapangiti niyang sagot.

Alam niyang si Gretchen Barretto ang tinutukoy namin na wala sa reunion.

Si Dawn Zulueta ang nag-organize ng reunion kaya hindi raw niya alam kung sino pa ang mga inimbita ng actress-TV host.

Hindi raw talaga makukumpleto sila dahil ang iba ay naninirahan na sa Amerika.

NOEL FERRER: Maganda pa rin na nangyari ‘yang reunion na ‘yan.

Sana sa susunod, maliban kay Gretchen, pati ang Megastar na sina Sharon Cuneta at Divine Diva Zsa Zsa Padilla ay maimbitahan din.

Pati ang male co-hosts na sina Richard Reynoso at Raymond Lauchengco ay puwedeng isama na rin.

At sabay-sabay silang kumanta ng “There’s this feeling every Sunday, you can’t explain and wonder why, to grab a beat in front of the TV, while having lunch with the whole family...” — sabay padyak ng paa at pagko-costume nang matitingkad!

Continue reading below ↓

Oh well, Kuya Germs must be smiling from above!

JERRY OLEA: Good vibes! Kung sinu-sino ang magkakaibigan, sila ang magkaka-reunion.

Hindi naman siguro magpapapaka-Maleficent (Mistress of All Evil) iyong mga hindi napasabihan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @dawnzulueta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results