JERRY OLEA: Walumpo’t anim (86) ang honorees sa 3rd Film Ambassadors’ Night ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Pebrero 10, Linggo, sa Samsung Hall ng SM Aura Premier, Bonifacio Global City.
Ang pagpaparangal ay sumasakop sa full-length films (films, directors, actors, technical & creative, documentaries), short films (films, directors, actors, technical), at TV (series, documentaries). Karamihan ay indie!
May special citation kina Piolo Pascual, Anne Curtis, Direk Brillante Mendoza, at Baby Go ng BG Films.
Isang dosenang artista ang kikilalanin para sa kani-kanyang pelikula:
Christian Bables, Signal Rock
Allen Dizon, Bomba
Ian Veneracion, Ilawod
Andi Eigenmann, The Maid in London
Mary Joy Apostol, Birdshot
Angellie Sanoy, Bomba
Ryza Cenon, Mr. & Mrs. Cruz
Angeli Bayani, Bagahe
Dido de la Paz, Respeto
Odette Khan, Echorsis (Sabunutan Between Good and Evil)
Carlos Dala, 1-2-3
Timothy Castillo, Neomanila

NOEL FERRER: OK itong mga effort para magbigay-parangal sa mga kasamahan natin sa industriya.
Congratulations sa FDCP!
Pero mas nakakaalarma ngayong matumal pa ang pagpanood ng mga tao ng pelikula sa sinehan.
Looking at the list of films and filmworkers na pararangalan, ganu’n na lang ba — magkaiba ang nabibigyan ng award sa kumikita sa takilya?
I pray for that day na merong gagawaran ng parangal ng kahusayan na kumikita rin sa takilya.
JERRY OLEA: Indie pa more! Apat na direktor ng full-length films ang pagpupugayan ng FDCP sa Linggo — sina Sonny Calvento (Nabubulok), Mikhail Red (Neomanila), Carlo Obispo (1-2-3), at Treb Monteras II (Respeto).
Siyam na full-length films ang pararangalan:
Area directed by Louie Ignacio
Sakaling Hindi Makarating directed by Ice Idanan
Bomba directed by Ralston Jover
Bhoy Intsik directed by Joel Lamangan
Die Beautiful directed by Jun Robles Lana
Nabubulok directed by Sonny Calvento
Ang Panahon ng Halimaw directed by Lav Diaz
Gusto Kita with All My Hypothalamus directed by Dwein Baltazar
Bagahe directed by Zig Dulay