Derek Ramsay, gusto ng kakaibang teleserye sa kanyang pagbabalik sa TV

GORGY RULA: Hindi na raw kailangang operahan si Derek Ramsay pagkatapos niyang magka-injury dala ng matinding training niya sa Frisbee.

IMAGE Noel Orsal

Sabi ni Derek, nagkaroon siya ng disc bulging sa L1 at L5 ng kanyang spine, kaya kailangan niya itong ipa-rehab.

Matindi kasi ang ginagawa niya kung saan pinagsasabay niya ang training ng golf at Frisbee.

Kaya ngayon ay tuluy-tuloy ang rehab at meron siyang pPhysical therapist na nagbabantay.

Sabi ni Derek, nakakatayo na siya at ilang araw na lang ay puwede na siyang bumalik sa trabaho.

Malapit na raw siyang bumalik sa TV, pero ayaw pa rin niyang kumpirmahin kung sa GMA 7 na ba ito.

“Babalik na ako sa TV, abangan niyo na lang, malapit na. Malalaman niyo na dun,” napapangiti niyang pahayag nang na-phone patch interview namin nitong February 5, Thursday, sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH.

Wala pa siyang sagot kung kailan ang contract signing sa GMA-7, pero gusto sana niyang kakaibang teleserye ang gagawin niya.

“Gusto ko sana, yung teleserye na gagawin ko, yung something different sa ibang projects na nagawa ko before.

“Sinabi ko, I would like to work with new people para... ako, gusto ko, pag may bago akong katrabaho, may natututunan ako, e.

“I’d like to learn whether malaking artista, maliit na artista.

“Hindi ako picky sa ganun, e. I just like working with new people.

“So, new opportunity, work with new people, new kind of story, yun lang ang hinahanap ko for 2019.

“And of course sana may project ako sa MMFF. Kasi, every other year ako sa MMFF, e,” pahayag ng hunk actor.

JERRY OLEA: Sports-oriented na ang TV5 kaya waley na roon ang mga artista.

Wala si Derek sa line-up ng Kapamilya projects. Kaya saan pa ba natin siya aabangan kundi sa Kapuso Network?

NOEL FERRER: Pinag-uusapan namin ‘yan ng mga dating taga-TV5, wala namang ibang mainam na lilipatan si Derek kundi sa GMA-7.

At ang mahalagang factor at clincher dun, maraming puwedeng mag-nurture at mag-alaga roon kay Derek like a true-mother figure.

Sa TV5 noon, si Joann Bañaga yun. Sa GMA-7, marami raw willing at capable na mag-nanay roon!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN