The Boobay and Tekla Show, natalo sa ratings ang Gandang Gabi Vice?

The Boobay and Tekla Show, natalo sa ratings ang Gandang Gabi Vice?
by PEP Troika
Feb 6, 2019
PHOTO/S: @boobay7 / @praybeytbenjamin Instagram

JERRY OLEA: Ayon sa NUTAM People Ratings ng AGB Nielsen, naka-5.3% ang pilot episode ng GMA-7 comedy talk show na The Boobay and Tekla Show (TBATS), noong Enero 27, Linggo. 

Samantalang naka-4.9% ang katapat nitong ABS-CBN late-night variety show na Gandang Gabi Vice (GGV).

 IMAGE @boobay7 / @praybeytbenjamin Instagram

Ayon naman sa Kantar Media, wagi ang GGV na naka-9.9%, samantalang ang TBATS ay naka-7.1%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanilang ikalawang salpukan nitong Pebrero 3, Linggo, nagtala ang TBATS ng 5.6% at ang GGV naman ay 3.8%, base sa AGB Nielsen.

Pero ayon sa Kantar Media, wagi pa rin ang GGV na naka-7%, samantalang ang TBATS ay naka-6.2%.

Kung anu't ano man, nanatiling positibo ang feedback sa bagong Sunday late-night pambato ng Kapuso network. 

Sabi ng kaibigan naming showbiz kibitzer, “First time kong manood ng TBATS last Sunday. Super laugh trip! Tawa ako nang tawa.

"Nang ilipat ko sa GGV, waley! Ang korni-korni ng episode nila!”

May tulog ba si Vice kina Boobay at Tekla?

NOEL FERRER: I must admit, GGV ang pinanood ko noong Linggo.

I wanted to see kung ano na ang ganap kay Vice. Yun pala, ang guest ay isang politiko na kahit sabihing hindi nangangampanya ay humahabol na maka-guest bago mag-start ang campaign season.

Tapos, may plug pa ng Maalaala Mo Kaya (MMK) tungkol sa buhay ng politikong ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tatapatan din ito ng GMA Network ng buhay ng isa ring politiko sa Magpakailanman.

Ayun, nag-Netflix na lang ako.

GORGY RULA: Magaling magdala ng show si Vice.

Kaya niyang patayuin ang show kahit walang script. Hindi siya nakakabagot panoorin.

Pero maaring nagsawa na rin ang audience niya kaya naghanap sila ng bago.

Kuwela talaga sina Super Tekla at Boobay.

Pero malaking challenge ito sa writers ng Kapuso comedy talk show na ma-maintain na masaya ang TBATS.

Kung tuluy-tuloy na matatalo nila ang GGV, abangan natin kung ano ang pakulo ni Vice para mabawi sa TBATS ang kanyang audience.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @boobay7 / @praybeytbenjamin Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results