Jackielou Blanco at Mariz, pinatotohanang imbitado si Gretchen Barretto sa GMA Supershow reunion

by PEP Troika
Feb 8, 2019

JERRY OLEA: Kinumpirma nina Mariz at Jackielou Blanco na imbitado si Gretchen Barretto sa reunion ng GMA Supershow hosts noong Pebrero 3, Linggo sa Manila House Private Club, BGC, Taguig City.

Mariz Ricketts & Jackielou Blanco
 IMAGE Jerry Olea

“It was Dawn [Zulueta] talaga na nag-initiate ng get-together, you know, and how nice of her naman...” malumanay na lahad ni Mariz sa presscon ng pelikulang Exit Point (kung saan siya ang executive producer) nitong Pebrero 8, Biyernes, sa Marina restaurant, Sct. Reyes St., QC.

Continue reading below ↓

Ipinagdiinan ni Mariz na in-invite lahat ng female hosts ng GMA Supershow sa nasabing reunion.

Bakit wala si Gretchen?

“Alam mo, hindi lang siguro nagkatugma yung mga schedule namin,” sabi ni Mariz.

Kontrabida ni Ronnie Ricketts si Jackielou sa Exit Point.

Kuwento ng aktres nang makatsika namin, “Gretchen and Sharon [Cuneta] could not make it. Zsa Zsa [Padilla], OK sana, but she was abroad.

“Si Jean [Garcia], OK sana but she was in Korea.”

Sigurado si Jackielou na imbitado si Gretchen.

“She [Gretchen] said she could not make it. Baka raw sa susunod,” pakli ni Jackielou.

So, posibleng sa susunod nilang reunion ay present pareho sina Dawn at Gretchen!

Kaswal na pahayag ni Jackielou, “We also asked Dawn, e. Kasi nga, di ko na maalala whatever they had. I didn’t even ask anymore.

“Kasi, feeling ko, we’re here naman. Pero sabi niya [Dawn], ‘Jac, I really don’t mind. It’s really OK with me.’

Continue reading below ↓

“So, I guess it’s OK. Sa kanya naman nanggaling!

“Siguro, feeling ko, pag nagkita sila... whatever it is man that they had, siguro OK na yun!

“The fact that, if available si Gretchen, she would have been there... so, I guess na whatever man ano, siguro, tapos na yun sa kanila, di ba?”

GORGY RULA: Heto na nga! Sa reunion nila noong Linggo, nagkapalitan sila ng numbers at bumuo sila ng Viber group.

Kasama kaya si Gretchen sa Viber group nila? Medyo matagal na nag-isip si Mariz. Hindi raw siya sure kung kasama ba.

Nang tinanong naman namin si Jackielou, hindi rin daw siya sure.

Ang saya raw nilang nagpapalitan ng message.

Pagkagising sa umaga, nagbabatian sila ng ‘Good morning’ pero tila wala yata ang La Greta sa kanilang palitan ng mensahe.

Kasi, pati si Jam Morales na nasa Amerika ay kasama sa kanilang Viber group.

Continue reading below ↓

Nabuo raw itong reunion dahil kay Rachel Ann Wolfe na umuwi sa bansa.

Yung unang reunion last ay dahil din kay Rachel Ann pero dalawa lang ang nakasama nito... sina Dawn at Maricel Laxa.

Mas masaya itong huling reunion dahil ang dami nilang pinag-usapan gaya ng mga beauty regimen nila, pati ang mga maintenance na tini-take.

Pero siyempre, na-miss nila si Kuya Germs sa kanilang pagkikita.

NOEL FERRER: Magandang mabuo ulit silang lahat sa isang anniversary ni Kuya Germs.

Maganda ring achievers sila in their own right.

At anuman ang naganap sa kanilang personal na buhay, I’m sure na malaki ang kinalaman dun ni Kuya Germs.

Teka, hindi ba si Kris Aquino ay minsang naging co-host din ng GMA Supershow?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results