Ito ang kinakaharap na pressure ng LizQuen at ni Direk Antonette Jadaone

by PEP Troika
Feb 9, 2019

JERRY OLEA: Kinoronahang box office king & queen sina Enrique Gil at Liza Soberano para sa pelikulang My Ex and Whys, na idinirek ni Cathy Garcia-Molina, at ipinalabas noong Pebrero 15, 2017.

 IMAGE Bernie Franco

Ang kasunod na LizQuen movie ay itong Alone/Together, na idinirek ni Antonette Jadaone, at ipapalabas sa Pebrero 13, Miyerkules.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pressure ba kay Direk Antonette?

“Oo, nakaka-pressure. Ha-ha-ha-ha!” halakhak ni Direk Antonette nang matsika namin sa media fair ng Alone/Together sa The Rooftop, Katipunan Av., QC.

“Nakaka-pressure in terms of... not po sa oras or sa gross, mas sa reception ng tao.

“Sana, magustuhan nila. Na kahit hindi siya yung usual na napanood nila ang LizQuen—kasi, romantic comedies iyong dati...

“Ito kasi, hindi siya romantic comedy. It’s a romantic drama. Romance drama.”

 IMAGE Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



NOEL FERRER: Set in the university and the art scene—remember, yung una nitong title ay Spoliarium—kaya binago ang title para mas maging masa at accessible kaysa artsy.

I trust Direk Tonet. She is at that stage na gagawa siya ng mga pelikulang gusto niya at ginagalingan niya talaga. She is GEMS (Guild of Educators, Mentors, and Students) awardee for best director of 2018 for her JaDine (James Reid-Nadine Lustre) film Never Not Love You.

Aside from the good-looking pair of LizQuen, very competent actors ang third wheel nila na sina Adrian Alandy at Jasmine Curtis-Smith.

Ito na kaya ang magbi-break ng box office records at magtatapos ng jinx sa takilya since the year started?

Sana!

GORGY RULA: Sana nga, itong Alone/Together ang magtatapos ng jinx sa takilya, at tuluy-tuloy na ito dahil marami pang naka-line up na mga pelikulang nagdedelikado na rin.

Nakaka-pressure ito sa LizQuen dahil parang sila na lang ang may pag-asang magbalik ng sigla sa box office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung sakali lang… sakali lang na hindi maganda ang performance nito sa unang araw ng showing, gagawin din kaya ng theater owners na tanggalan agad ito ng mga sinehan?

Gagawin kaya nila ito sa ABS-CBN 2 na tila may power lang na maka-hold ng napakaraming sinehan?

Ang dami ko na kasing naririnig kung paano nila tratuhin ang producers natin.

Kagaya nitong Elise na pawang magaganda ang feedback na naririnig natin, saan pa sila ngayon panonoorin ng mga tao?

Bakit hindi man lang ito paabutin hanggang sa weekend, at kung talagang mahina pa rin, doon na lang sana nila inalisan ng mga sinehan.

Huwag sana itong mangyari sa Alone/Together! Hindi rin kasi natin masasabi, di ba?

JERRY OLEA: Ready na ba ang LizQuen fans sa mga traydor na alaala sa Valentine’s Day?

Napangiti si Direk Antonette, “I think, oo. I think, masarap masaktan pag Valentine’s Day. Masayang masaktan.

“Kasi, very usual na yung happy-happy, joy-joy. Maiba naman! Ha-ha-ha-ha-ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung nagkakatampuhan man sina Liza at Enrique, hindi iyon nakakaapekto sa shooting.

Natatawa pa ring lahad ni Direk Antonette, “Yung tampuhan nila, parang ano lang, parang away aso’t pusa.

“Mas natatawa kami kaysa nagigimbal. Parang mas gusto nga naming nag-aaway sila, e.

“Ang cute nilang mag-away! Ang cute nila!

“Ano lang, maliliit na bagay lang. Like, di ba, may injury si Liza sa kamay? Pag nahahawakan ni Quen, nai-squeeze, nag-aaway na sila!

“Ha-ha-ha-ha-ha! Ganun lang yung mga problema nila sa buhay. Napakasimple!”

Diretsong sinabi ni Direk Antonette na gusto niyang idirek uli sa pelikula ang LizQuen?

Mga ilang beses pa? 20 times?

“Siguro, 26 na, ‘no?! Why not?! Oo! Once every two months! Ha-ha-ha-ha!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results