Komedyanteng si Bentong pumanaw na

NOEL FERRER: Pumanaw kaninang umaga ang komedyanteng si Bentong. Cardiac arrest daw ang naitalang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nang matanong namin ang malapit sa kanya, ang sabi’y may diabetes ito at iba pang health complications.

Bago pa man mag-artista si Bentong, kasama na namin siya sa ASAP bilang utility at personal assistant ni Mr. M (Direk Johnny Manahan).

Nakikiramay ang PEP Troika sa pagkamatay ni Bentong.

GORGY RULA: Matagal din sa Wowowin si Bentong. Hinayaan siya roon bilang tulong na rin sa kanya ni Willie Revillame.

Last year pa pala siya wala sa Wowowin dahil sa sakit niya.

Nakikiramay po kami sa pamilyang naiwan ni Bentong.

IMAGE GMA Network Online

JERRY OLEA: Ayon sa source ng PEP Troika, ang burol ay sa St. Peter’s Memorial Chapels sa Tandang Sora, Quezon City.

Kinumpirma ni Bayani Agbayani, isa sa mga malapit na katrabaho ni Bentong, na isang araw lang ang itatagal ng burol sa Tandang Sora.

Bukas, Linggo, February 10, nakatakda raw ilipat ang labi ni Bentong sa St. Peter's Memorial Chapel sa Quezon Avenue, Quezon City.

Iba naman ang detalyeng natanggap nina Eric Nicolas at Edgar Mortiz, na parehong nagsabing sa St. Peter's sa Araneta Avenue ibuburol si Bentong bukas.

Bukas pa ng gabi bubuksan sa publiko ang viewing ng lamay para kay Bentong.

Abangan po ninyo ang update namin ukol dito.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN