#SaveElise, nakadagdag ng sinehan para sa pelikulang Elise

by PEP Troika
Feb 9, 2019
PHOTO/S: @RegalFilms Twitter

NOEL FERRER: Mukhang umepekto ang #SaveElise campaign kaya nadagdagan ito ng mga sinehan this weekend.

Ka-text ko si Enchong Dee, na isa sa lead stars ng Graded A na pelikulang ito.

 IMAGE @RegalFilms Twitter

Ang sabi niya, “Maraming Salamat... nagulat kami sa response ng tao kaya mas nilaban namin ang mas marami pang screening at sinehan!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sang-ayon si Enchong na gawing Friday ang pagbubukas ng mga bagong pelikula sa mga sinehan para mas may resources at available ang mga tao.

“Yes, Friday night would be good for the industry... sana, pakinggan tayo... I’ve never been this affected sa mga pelikula ko... I’m grateful for all the good reviews that poured in. I am very grateful. Sana, mas marami pang makapanood.”

Narito ang mga bagong bukas na sinehan para sa pelikulang Elise, na pinagbibidahan nina Enchong at Janine Gutierrez:

 IMAGE @RegalFilms Twitter
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA: Sana kasi, nag-limited release muna ang Elise. May Hollywood films na ganoon ang strategy sa North America.

Kumbaga, slow burn. Sa magagandang feedback, at marami ang naku-curious, doon pa lang mag-wide release.

Tweet ng Regal Films, as of February 9, Saturday, may 28 cinemas pa ang Elise—though sliding ito sa ibang sinehan.

Sana rin, pinalitan ang title nito. Iyong Elise, tunog-ALIS. (As in in-ELISE agad sa theaters.)

E, iyong kasabay nitong Hanggang Kailan, originally titled Baka Hanggang Dito Na Lang.

Iyong LizQuen movie na Alone/Together, originally titled Spoliarium.

Sabik na sabik na ako sa Alone/Together. Ramdam ko na tatangkilikin iyan ng moviegoers, lalo pa ng mga magde-date sa Valentine’s Day!

The last time na halos ganito ang excitement ko ay sa The Hows Of Us ng KathNiel.

Ang isa pang pelikula na inaabangan ko ay yung Avengers: Endgame, na sa Abril pa ang showing.

GORGY RULA: Yan ang hanash sa akin kaninang umaga ni Manay Lolit Solis, dahil hindi niya akalaing gagawin ng ilang theater owners na tanggalan agad ng mga sinehan ang pelikula ni Mother Lily.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam daw ng lahat na ang Regal lang ang madalas na gumagawa ng pelikula kahit nalulugi ang iba, 'tapos, ganito pa ang trato sa kanila.

“Magaganda kasi ang narinig ko sa Elise. Wala akong narinig na nega, paano pa mapanood ng mga tao, e, wala nang sinehan?!” himutok ni Manay Lolit.

“Naku! Dapat may gagawin ang mga producer, 'tapos, tulungan siguro ng mga taga-industriya, di ba?

"Nandiyan si Liza Diño, meron siya sigurong puwedeng magawa na huwag naman tanggalan agad ng mga sinehan.

“Siguro, isang linggo talaga, o paabutin ng weekend, para naman may chance pa ang mga tao na mapanood, di ba?” dagdag niyang pahayag.

Sana, may magawa raw ang gobyerno na hindi mangyari ito sa producers.

“Di ba, yung Rainbow Sunset nga, ang daming nawalang sinehan.

"Pero noong nagka-award, 'tapos, magaganda ang sinasabi nila sa movie, na-curious ang mga tao, ang daming bumalik na mga sinehan.

"E, di ang saya na ni Harlene [Bautista],” sabi pa ni Manay Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: @RegalFilms Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results