Patricia Javier, handa nang sumabak sa 2019 Mrs. Universe pageant

GORGY RULA: Ngayon pa lang ay puspusan na ang training ni Patricia Javier para sa laban niya sa Mrs. Universe na gagawin sa South Africa sa August.

Si Rodgil Flores ng Kagandahang Flores ang nagti-train sa kanya at panay na ang gym niya at tamang diet para ma-maintain ang ganda ng katawan.

Sabi ni Patricia, sa pagsali niya sa Mrs. Universe ay mapu-promote na rin niya ang kahalagahan ng tamang kalusugan sa atin.

“Gusto kong i-promote yung wellness and at the same time Anti-Violence Against Women and Children,” pakli ni Patricia sa launching ng librong Doc Rob’s Guide to Better Health & Wellness ng asawa niyang si Dr. Rob Walcher, na ginanap sa clinic nito sa POS Bldg., Sct. Madriñan, Quezon City.

IMAGE Gorgy Rula

“We need to focus sa awareness for wellness because we believe that our health is our wealth,” dagdag niyang pahayag.

All-out ang suporta ni Dr. Rob sa pagsali ni Patricia sa Mrs. Universe pageant.

“Siyempre, sobrang proud.

“We’re taking advantage of a lot of opportunities to spread the message about lifestyle, being healthy and how we can introduce chiropractic to the rest of the world.

“She gets to continue her dreams and also to spread the message of being healthy,” pahayag ni Dr. Rob Walcher.

Buo rin ang suporta ni Patricia sa libro ni Dr. Rob dahil kailangan daw maging aware tayo kung ano ang tamang pag-alaga sa ating kalusugan at kung ano ang nagagawa ng chiropractic sa ating katawan at kalusugan.

Kaya nabiro na rin namin kay Patricia na maaring irarampa niya ang kanyang Chiropractic Walk sa Mrs. Universe.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin sina Patricia at Doc Rob sa Department of Health para dalhin itong librong Doc Rob’s Guide to Better Health and Wellness para maiparating sa mga eskuwelahan lalo na sa mga kabataan.

NOEL FERRER: Sino nga ba ang nagpapatimpalak nito at gaano ba ka-prestihiyoso ito?

Good luck na lang kay Patricia (Genesis sa totoong buhay).

Malakas talaga ang appeal niya sa foreigners.

Remember, naging sila rin nang matagal ng kaibigan nating Marc Nelson.

Sana, galingan niya lalo na sa Q&A.

In fairness sa ating mga Pinoy, mas mataas talaga ang standards sa pagpili ng mga beauty queen na ilalaban sa kompetisyon kaysa pagpili ng mga senador.

JERRY OLEA: Noong 2007 nagsimula ang timpalak na ito.

Wala pang Pinay na nanalo rito.

Sa 13th edition nito ngayong 2019 ay 88 ang kalahok sa paligsahan.

Good luck kay Patricia!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN