JERRY OLEA: Pinalakpakan si Baron Geisler nang tanggapin nila ni Allen Dizon ang award para sa pelikulang Alpha: The Right to Kill sa 3rd FDCP Film Ambassadors Night nitong Pebrero 10, Linggo ng gabi, sa Samsung Hall ng SM Aura, BGC, Taguig City.

Pahayag ni Baron, “Maraming salamat kay Direk Brillante [Mendoza] sa pagkuha sa akin at sa pagbibigay sa akin ng mga chances.
“Ahhm, gusto ko ring kunin ang pagkakataon na ito na humingi ng tawad sa lahat ng mga kalokohan na ginawa ko before.
“Ahhm, ginagawa ko po ang lahat. I will not make promises but by God’s grace... ahhm, in time.
“Time will only tell kung tatanggapin niyo pa ako.
“Pero nandito lang po ako, at gusto na talagang magbago.
“Maraming-maraming salamat. At maraming salamat sa opportunity na ito, at sa pag-invite sa akin.
"Kay Miss Liza Diño-Seguerra, maraming-maraming salamat."
NOEL FERRER: Ang suwerte ni Baron Geisler na nakapuslit siya ng ilang pananalita!
Anim lang sa 89 honorees ang may acceptance speech—iyong tatlong A-Listers at iyong tatlong Camera Obscura awardees.
Effective at fast paced ang pagbibigay ng parangal dahil wala nang maraming mga talumpati.
Sana, umayos na talaga si Baron. Sayang kung hindi. Kasi, mahusay siya talagang aktor.
GORGY RULA: Pag magaling kang aktor, mabibigyan at mabibigyan ka talaga ng ilang beses na pagkakataon.
Pero sana naman, huling chance na ito kay Baron at huwag na niyang sayangin ang mga ibinigay na chance sa kanya.