Gandang Gabi Vice at The Boobay And Tekla Show, parehong panalo sa ratings

by PEP Troika
Feb 11, 2019
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan / Noel Orsal

GORGY RULA: Ayon sa NUTAM PPL Prime Survey, wagi pa rin ang 3rd episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) laban sa Gandang Gabi Vice nitong Pebrero 10, Linggo ng gabi.

Vica Ganda, Boobay and Super Tekla
 IMAGE Jocelyn Dimaculangan / Noel Orsal

May pasabog pa naman ang GGV na pag-amin nina Enrique Gil at Liza Soberano na more than two years na ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo kabado raw ang BFF ni Boobay na si Marian Rivera nang nakita niyang may LizQuen ang GGV.

Tumulong naman ang Sunday Pinasaya na i-promote ang TBATS, kaya wagi naman.

Sabi ng NUTAM, 5.8 ang TBATS, samantalang 4.5 ang PBB Otso at 3.8 ang Gandang Gabi Vice.

Ano kaya ang sagot diyan ng Kantar Media, Sir Jerry at Sir Noel?

Sige nga!

JERRY OLEA: Ayon naman sa Kantar Media ratings for February 10, Sunday, ang PBB Otso ay nagtala na 10.9% at ang GGV ay nakakuha ng 9.5%, samantalang ang TBATS ay naka-7.4%.

At kung interesado kayo sa Saturday night ratings ng Kantar Media...

Ang MMK (life story ni Bong Go) ay naka-25%, samantalang ang Magpakailanman ("Tatlong Henerasyon ng Sipag at Tiyaga," life story ni Cynthia Villar) ay naka-14.1%.

NOEL FERRER: Ang stand ko riyan noong una pa lang ay hayaan ninyong maglaban-laban ang mga programa para pagandahan sila at ang mga tao ang makinabang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Napanood ko pareho ang GGV at TBATS. Pareho silang nag-effort sa special backpack segments nila. Hindi sila kampante sa trabahong tamad.

May behind-the-camera work sila plus practical jokes and pranks.

At least, may premium ang guests na si Marian Rivera sa TBATS, at ang LizQuen sa GGV.

Ang pet peeve ko pa rin ay ang panggagamit ng mga walang muwang na bata sa Goin’ Bulilit para mag-interview ng senatoriable.

Ano ba? Pera-pera na lang ba?

And here’s my take—as we start the official campaign season for National Elections today, mano bang ilagay mismo sa TV na “this episode is paid content” or anything of that sort.

At least, may transparency at honestly. Nagawa yata iyan ng Magpakailanman.

Yung iba, ‘kalungkot... deadma. Kita kung kita!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jocelyn Dimaculangan / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results