Ara Mina, di sinasadyang kinumpirmang hiwalay na sina Cristine Reyes at Ali Khatibi

by PEP Troika
Feb 11, 2019
PHOTO/S: Ara Mina Instagram

GORGY RULA: Nakatsikahan namin si Ara Mina sa launching ng librong Doc Rob’s Guide to Better Health and Wellness ni Dr. Rob Walcher noong Pebrero 8, Biyernes, sa Q.C.

Ara Mina, Rob Walcher, Patricia Javier
 IMAGE Gorgy Rula

Sabi ni Ara, masaya nilang ipinagdiwang ang 30th birthday ng kapatid niyang si Cristine Reyes sa Thailand.

Continue reading below ↓

Natatawa si Ara dahil dala na rin siguro ng pag-mature, hindi na naisip ng kapatid niya ang magpa-party. Masaya na silang nag-bonding na magkakapatid.

Kasama nila ang isa pa nilang kapatid na si Heidi, na nag-celebrate naman ng 15th wedding anniversary kaya kasama nito ang asawa.

Hindi nila isinama ang kanilang mga anak, kaya silang magkakapatid lang daw at ang asawa ni Heidi.

Siyempre, wala si Ali Kathibi.

Kahit wala pa namang inaamin si Cristine, nakikitang hindi na niya ito kasama sa mga mahahalagang selebrasyon nila.

“Hindi ako nakikialam sa kanyang love life. Parang what you see is what you get na lang,” nakangiting pahayag ni Ara.

Nakikita niyang masaya si Cristine, pero kailangan ni Ara na magbigay ng oras para sa kapatid para samahan niya ito.

“Happy siya in a way, kasi, nakaka-bonding niya kaming family.

“Kasi to be honest… kasi nung married siya, parang medyo bihira yung bonding namin, e. Mas more on sa asawa niya, sa family niya, but we understand.

Continue reading below ↓

“Basta pray lang whatever it is,” sabi na lang ni Ara.

Dapat ay sasamahan pa niya si Cristine pa-Boracay, pero hindi na raw pumuwede sa schedule niya.

Pagkatapos kasi ng bakasyon sa Thailand, nag-Boracay naman si Cristine para mag-bonding sila ng kanyang anak.

Tatlong linggo raw kasing mawawala si Cristine dahil nakatakda itong mag-shooting ng pelikula sa Georgia, kasama si Xian Lim.

NOEL FERRER: Very revealing talaga kapag kausap mo si Ara, sincere lang.

At saan nahuhuli ang isda? Sa mismong bibig ni Ara.

Take note, “Hindi ako nakikialam, ha. What you see is what you get... Kasi, to be honest, kasi nung married siya, parang medyo bihira yung bonding namin.”

Yun na!!!

JERRY OLEA: Opening film ng Singkuwento International Film Festival Manila Philippines (SIFFMP) 2019 ang pelikula ni Ara na Immaculada: Pag-Ibig Ng Isang Ina.

Ipalalabas ito sa Pebrero 15, Biyernes, 7:30 P.M. sa NCCA Theater, Gen. Luna St., Intramuros, Manila.

Continue reading below ↓

Tinatalakay rito ang incestuous relationship nila ng kanyang anak, na ginampanan ni Akihiro Blanco.

Nagpasalamat si Akihiro at inalalayan siya ni Ara sa kanilang love scene kung saan meron siyang butt exposure.

Sa preview ng Born Beautiful noong Enero 18 sa UP Film Center, UP Diliman, QC, inurirat ko si Akihiro kung sino kina Ara at Martin del Rosario ang mas masarap na kalampungan.

Humagalpak lang ng tawa ang young actor.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Ara Mina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results