JERRY OLEA: Waley sina Piolo Pascual, Anne Curtis, Odette Khan, Christian Bables, Ian Veneracion, Andi Eigenmann, Ryza Cenon, at ilan pa sa 89 honorees ng 3rd Film Development Council of the Philippines (FDCP) Film Ambassadors Night.
Ginanap ang event nitong Pebrero 10, Linggo ng gabi, sa Samsung Hall ng SM Aura, Bonifacio Global City, Taguig City.

Na-disappoint o na-dishearten ba si FDCP Chair and CEO Liza Diño-Seguerra?
"Si Piolo, sinabi niya sa akin na hindi siya makakarating. Nasa Toronto, Canada yata siya ngayon,” tugon ni Liza.
Patuloy niya, "Si Anne, nag-text din sa akin. Meron siyang parang shoot ata.
"Si Tita Odette, I always talk to her. Tuwing nagkakausap kami, palagi akong niyayakap niyan.
"Palagi niyang sinasabi, 'Liza, you’re doing good.' Ganyan-ganyan siya."
Naiintindihan daw ni Liza na may dahilan kung bakit hindi nakasipot ang mga ito.
"Hindi sila nakarating pero nagpasabi naman sila. Hindi naman natin sila matatanggal sa mga prior commitment nila.
"But I’m happy na most of them are here.
"And talagang yung suportang ibinigay nila for Film Ambassadors Night, yung pagkilala nila sa suportang ibinibigay namin sa industriya, na-appreciate pala."
NOEL FERRER: Congratulations sa lahat ng mga pagpupunyagi ng lahat ng mga kasamahan natin sa industriya.
Now, we face the daunting task of getting back the audience to support and patronize our films.
JERRY OLEA: Tahasang sinabi ni FDCP Chair Liza na wala siyang tampo sa mga hindi nakarating sa Film Ambassadors Night 2019.
After all, dumating si Kathryn Bernardo para tanggapin ang pagkilala sa super-blockbuster movie nila ni Daniel Padilla na The Hows Of Us.
Present din ang sa event ang tatlong National Artists na sina Ryan Cayabyab (National Artist for Music), Bienvenido Lumbera (National Artist for Literature), at Kidlat Tahimik (National Artist for Film).

May performance pa si Kidlat kaugnay sa pagkakaloob sa kanya ng Camera Obscura.
Lahad ni FDCP Chair Liza patungkol kay Kidlat: "Sabi niya, it’s his tribute to the indie filmmakers na nagbigay sa kanya ng ganitong parangal.
"At ngayong National Artist for Film na siya, he wants to continue to inspire other artists.
"He wants to share his little story about where he is, at kung paano niya talaga isinulong ang pagiging isang totally independent filmmaker."
