Joey de Leon, idinadaan sa biro ang pagluluksa sa pumanaw na ina

by PEP Troika
Feb 12, 2019
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram

GORGY RULA: Idinadaan na lang ni Joey de Leon sa biro ang kanyang pagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ina na si Mrs. Emma de Leon.

View this post on Instagram

Thank you Mama for my first home...your WOMBDOMINIUM! I LOVE YOU!

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo) on

Sumama ako kay Manay Lolit Solis na dumalaw sa burol kaninang hapon, February 12, pero papunta pa lang si Tito Joey galing sa studio ng Eat Bulaga! nang dumating kami kaya hinintay na namin siya.

Ang asawa niyang si Eileen Macapagal ang nag-istima sa amin doon kasama ang panganay na anak ni Tito Joey na si Cheenee de Leon.

Pagdating ni Tito Joey, unang bati niya kay Manay Lolit, “Nag-shower ka na?”

Continue reading below ↓
Joey de Leon and Lolit Solis
 IMAGE Gorgy Rula

Halatang na-miss ni Tito Joey ang co-host niya sa Startalk kaya panay ang biro nito at kung anu-anong pangangantiyaw niya, na dati niyang ginagawa noong magkasama pa sila sa dati nilang talk show.

Ilang sandali lang, dumating si Kuya Ricky Lo, kaya kulang na lang sina Butch Francisco at Heart Evangelista, reunion na sana silang Startalk hosts.

Continue reading below ↓
Lolit Solis, Joey de Leon, and Ricky Lo
 IMAGE Gorgy Rula

Nagkuwento sa amin si Tito Joey na tumawag pa raw si Direk Bibeth Orteza sa kanya dahil papunta na raw sana siya sa burol, pero hindi na natuloy dahil sa nangyari kay Tita Midz (Armida Siguion-Reyna).

Kaya sabi na lang daw niya kay Direk Bibeth, “It’s a tie!”

Ipinakita pa sa amin ni Tito Joey ang litrato ng mga pitsas ng mahjong na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Prada pala ang tatak ng mahjong set na iyun na paboritong nilalaro ng Mama Emma niya.

Mahal ang pagkabili niya ng mahjong set na iyun sa Hong Kong.

Nakatakdang ilibing sa Huwebes, February 14, ang Mama Emma ni Tito Joey sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

NOEL FERRER: Kung pina-follow ninyo ang social media ni Tito Joey, kino-comedy niya ang pagkamatay ng nanay niya pero makikita ang pagiging malapit niya rito.

Nakakatuwa lang dahil mukhang groovy at cowboy ang relasyon nila ng nanay niya.

Continue reading below ↓

Nakikiramay tayo sa pamilya ni Tito Joey, pati na sa kaibigan din nating si Keempee at iba pa niyang anak.

Sana nga, may reunion ulit ang Startalk!

JERRY OLEA: Nag-text ako kay Manay Lolit at inurirat siya sa pagpanaw ng ina ni Joey.

Ani Manay Lolit, “Naku, inggit ako, ang tagal niya nakasama nanay niya dahil 93 ito kinuha ni God.

“Nanay ko, 62 lang, ba-bye na. Kaya nga sabi ko, siguro tagal buhay ng mother niya, kasi, lagi niyang pinatatawa.”

Kahit hindi ako nagtanong, nag-text na rin si Manay Lolit tungkol kay Tita Midz.

Sey ni Manay Lolit, “Kay Tita Midz, sure ako, lagi niya tayong aawitan from heaven.

“Kasi, sing na siya with angels.”

Buti naman at hindi na siya nag-hanash about Bentong.

“Gusto ko, Message Queen na ako hah hah!”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results