Miss World Philippines 2012 Queenie Rehman, dating nakarelasyon si Mayor Dan Fernandez

by PEP Troika
Feb 13, 2019
PHOTO/S: Gorgy Rula / @queenierehman Instagram

GORGY RULA: Ngayon pa lang pinasok ni dating Miss World Philippines Queenie Rehman ang showbiz kahit noong 2012 pa siya nakoronahan ng naturang titulo.

Ipinakikilala siya ng Reality Films sa horror movie na Second Coming, na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Marvin Agustin.

Continue reading below ↓
 IMAGE Gorgy Rula / @queenierehman Instagram

Hindi itinanggi ni Queenie na si Sta. Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez ang nagbigay-daan upang makilala niya ang Reality Films producer na si Dondon Monteverde. 

"I met Sir Dondon through him. He actually helped to be part of this group,” lahad ng 26-year-old model-beauty titlist, na pumirma ng kontrata sa naturang film company. 

Hindi rin itinanggi ni Queenie na minsan silang nagkaroon ng relasyon ni Dan.  

"We're friends na lang now... because he’s my ex… we’re good friends,” sabi niya.

Pero hindi na siya nagdetalye ukol sa nakaraan nila ng actor-politician. 

Ngayon ay gusto nang ituon ni Queenie ang atensiyon niya sa kanyang showbiz career.

Thankful siya dahil naging bahagi siya ng Second Coming na idinirek ni Jet Leyco.

Masuwerte rin si Queenie dahil magagaling ang mga artistang kasama niya at naging kaibigan na raw niya ang lead actress na si Jodi.

Continue reading below ↓

"I became close with Jodi. Same tent kami, and may mga nasi-share din siya sa akin about tips for acting.

"So, for me, I was really comfortable working with her," saad ni Queenie.

Sa February 27 na ang showing ng Second Coming, na almost two years in the making dahil sa mahirap pagtugmain ang mga schedule ng mga pangunahing karakter.

Pero sulit daw at proud si Queenie sa pelikulang ito.

Magaling kumanta si Queenie at gusto rin daw niyang mag-focus sa kanyang singing career, lalo pa't first love niya ang pagkanta. 

Pinaghahandaan na raw nila ngayon ang first single niyang ginawa ni Direk Joven Tan at ipapasok daw nila ito sa Spotify.

Magaling din siyang mag-beatbox, na siyang talent na ipinanlaban niya nang sumali siya sa Miss World Philippines.

"My greatest passion is singing talaga, and I just want to venture in acting so I can challenge myself," pakli ni Queenie. 

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Matagal na nating nabalitaan ang pelikulang ito. Noon pang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 ay isinali na ito.

Teka, pati ba sa Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018, sinubukan din nitong sumali?

Now, the time has come para bigyan ng chance ang pelikulang ito.

Greatly, nakaatang kina Jodi Sta. Maria at Marvin Agustin ang kahihinatnan ng pelikula sa box office.

Sana makatulong din si Queenie Rehman.

JERRY OLEA: Oo nga, noong 2017 pa ang pelikulang ito. Antagal na nang mapanood ko ang trailer nito.

Bakit kaya hindi ito ipinalabas agad?

Itanong natin kay S. Y.!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Gorgy Rula / @queenierehman Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results