LizQuen movie, nagpabalik sa mga manonood sa sinehan

JERRY OLEA: PPH21.7M ang hinamig ng LizQuen movie na Alone/Together sa unang araw ng showing nito sa 260+ cinemas, noong Pebrero 13, Miyerkules.

Blockbuster!

IMAGE Jerry Olea

Pebrero 14, Huwebes ng umaga, nag-tweet ang Black Sheep, na nagprodyus ng pelikula, na 280+ na ang sinehan ng Valentine movie nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Pagkalipas ng isang oras, nananghalian lang, nag-update ang Black Sheep—300+ na ang theaters ng Alone/Together.

Totoo 'yan! Hindi "what if"!

Sadyang traydor ang mga alaala!

Napakasarap masaktan sa Araw ng mga Puso, lalo’t kapiling mo ang iyong giliw!

Saraaaayyyy!!!

IMAGE Black Sheep

NOEL FERRER: Open ended, talagang realistic, at unexpected ang ending ng pelikula.

Buti naman at nagbalik na sa mga sinehan ang mga kababayan natin via Alone/Together.

Aside from LizQuen, masaya rin ako sa mga papuring natanggap ni Jasmine Curtis-Smith at ng alaga nating si Adrian Alandy na markado ang mga papel sa pelikulang ito.

Ito na bang Alone/Together ang bagong case study sa box-office trends after Kita Kita, My Ex And Whys, at The Hows Of Us?

GORGY RULA: Dito nga sa presscon ng Time & Again ng Regal Entertainment Inc., nabanggit ni Direk Joey Reyes na masaya silang lahat na malakas ang Alone/Together.

Kaya sana, tuluy-tuloy at positibo raw sana ang kalalabasan ng pelikula.

"Gusto kong gamitin ang laging sinasabi ng tatay ko... bahala na si Batman!" saad ni Direk Joey Reyes.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN