Rafa Siguion-Reyna, natuwa sa impromptu musical tribute sa burol ng Lola Armida niya

JERRY OLEA: Hatinggabi ng Pebrero 13, Miyerkules, nang kantahin ni Dulce ang "Minsan Ang Minahal Ay Ako" bilang finale number sa impromptu mini-concert sa burol kay Armida Siguion-Reyna, aka Tita Midz.

Pero bitin pa ang mga naglalamay.

Ang kanilang hiyaw, "More! More!"

 IMAGE Jerry Olea

Nag-uumapaw sa silakbo ng damdamin ang pag-awit ni Dulce, na sinaluhan pa ng singer-actress na si Isay Alvarez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapagkuwan ay sumama ang iba pang Aawitan Kita singers—kabilang sina Robert Seña, Bimbo Cerrudo, Cris Villonco, at iba pa.

Ang sabi ni Robert, patikim pa lang ang ginawa nila.

Antabayanan ang musical tribute bukas, Pebrero 15, Biyernes, simula 8 P.M., sa Heritage Park Memorial Chapel, Taguig City.

Ngayong gabi ng Pebrero 14, Araw ng mga Puso, pangungunahan ni Miguel Castro ang pa-concert para kay Tita Midz.

GORGY RULA: Sabi ng apo ni Tita Midz na si Rafa Siguion-Reyna, tiyak na gustung-gusto ng lola niya ang musical tribute mula sa mga mang-aawit na nagsimula sa musical TV show na Aawitan Kita, na umere mula 1977 hanggang 1997.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Jerry Olea

Naalala pa ni Rafa na ang ibang dumadalaw kay Tita Midz sa bahay nila na karamihan ay hindi na raw nito nakilala.

Napapangiti raw si Mahal, na siyang tawag ng mga kaanak kay Tita Midz, kapag kinakantahan na siya o may tumutugtog ng magagandang awit para sa kanya.

"When my lolo died—namatay ang lolo ko, 2009—nalungkot na lang siya, e,” kuwento ni Rafa, na aawit bukas sa pa-concert para sa kanyang lola.

"Since nangyari iyon, nalungkot na lang siya. So, she’s lived the last 10 years of her life just slowing down.

"Feeling ko kasi, sobrang nalungkot siya with the passing of my lolo.

"Pero inaalagaan naman namin siya. Every Sunday, nagkikita kami."

Bago pa raw nagkasakit si Tita Midz ay hindi na ito gaanong nagsasalita, pero nanatiling matalas pa rin ang pag-iisip nito.

Patuloy ni Rafa: "Minsan, hihirit siya. Like for example, nung namatay si Isabel Granada.

"Sinabihan siya ni Mama na namatay na si Isabel Granada. And sabi niya, 'Ay!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She doesn't talk anymore, pero kita mo sa mga mata niya na she's still present—pag may kumakanta, napapangiti siya.

"Iyong pinsan ko, nag-clarinet... Kahit hindi na siya nagsasalita, nakikita mo sa mata—with music, she’s able to communicate."

NOEL FERRER: Matutuwa niyan si Pop Lola Armida Siguion-Reyna!

Malaking bulk ng kanyang legacy ay ang pagtulong sa pagpapalaganap ng musikang Pinoy—aside from being an industry leader with worthy advocacies.

Bawal man sa feng shui ko ngayong taon ang pumunta sa mga burol, I will say a special prayer for Tita Midz, whom I have always looked up to and supported!

(And to Mommy Emma of Tito Joey de Leon too, who seems to be a groovy lola!)

Happy Valentine’s Day sa mga patuloy na nagbibigay sa atin ng buhay at pagmamahal!!!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close