Winwyn Marquez, di isinasara ang posibilidad na magkabalikan sila ni Mark Herras

by PEP Troika
Feb 14, 2019
PHOTO/S: Mark Atienza

GORGY RULA: Ang manager ni Mark Herras na si Manay Lolit Solis ang isa sa nanghinayang sa natapos na relasyon nina Mark Herras at Winwyn Marquez.

“Naku! Pinakaswak na sana si Wyn kay Mark, lalo na ulila na siya,” text ni Manay Lolit sa PEP Troika.

Continue reading below ↓
 IMAGE Mark Atienza

Ramdam niyang malungkot si Mark, kaya minsan ay hindi niya sinasagot ang mga tawag ng alaga niya, dahil umiiwas siya sa depression.

Nanghinayang si Manay Lolit dahil magandang impluwensiya pa naman si Winwyn para kay Mark.

Sabi naman ni Winwyn sa presscon ng Time & Again kaninang tanghali, February 14, hindi niya isinasara ang posibilidad na magkabalikan sila ni Mark.

Tuloy pa rin ang pag-follow nila sa Instagram. May ilang posts na magkasama sila na naka-hide lang pero hindi raw tinanggal ni Winwyn.

“Naka-hide lang siya, kasi hindi ko pa naman kayang i-delete,” pakli ni Winwyn.

Kaya sinundan namin ng tanong kung may posibilidad ba silang magkabalikan.

“Ayoko namang magsalita nang tapos, baka mamaya, bukas, nagkabalikan na kami, di ba?

"Pero ngayon, hindi talaga," sagot ni Winwyn.

Ayaw lang niyang sabihin kung ano ang dahilan ng breakup, na sana ay sa kanila na lang daw yun.

Itinanggi ni Winwyn ang iniisip ng iba na baka yung balak niyang pagsali sa Binibining Pilipinas ang isa sa mga dahilan ng breakup nila.

Continue reading below ↓

Hindi pa raw siya nakapag-decide na sumali sa Binibini, dahil pinapakiramdaman pa lang niya sa ngayon.

Bukod pa riyan, very supportive naman daw ang Kapuso actor sa lahat na mga pinapasok niya.

Iyan nga raw ang isa sa minahal niya kay Mark—na napaka-supportive nito.

“Very supportive naman si Mark sa lahat na ginagawa ko.

“It’s just that, iba lang siguro yung path namin ngayon, yung priorities namin ngayon, at hindi lang kami talaga...

"Kumbaga, mas okay muna na hiwalay kaming dalawa," pahayag ni Winwyn.

Ayaw na sana ni Winwyn pag-usapan ang tungkol sa breakup nila ni Mark dahil ayaw nitong isipin ng iba na ginagamit niya itong break-up issue sa promo ng Time & Again, na magsu-showing na sa February 20.

NOEL FERRER: What do I always say, Tito Jerry? “Water will find it's level.”

May Winwyn and Mark find their match!

Continue reading below ↓

JERRY: Anlakas-lakas ng LizQuen movie na palabas sa mga sinehan simula kahapon.

Sana, hindi pa ubos ang pera at interes ng moviegoers para sa mga susunod na pelikula.

Kasabay ng Enzo-Winwyn movie na mag-o-open ang action movie ni Ronnie Ricketts na Exit Point, at ang kapana-panabik na animated movie na How To Train Your Dragon: The Hidden World.

Lumuha ako, tawang-tawa at tuwang-tuwa sa part 1 & part 2 ng adventures nina Hiccup at Toothless.

Consensus ng mga kritiko sa Rotten Tomatoes, ito ay “rare trilogy capper that really works... brings its saga to a visually dazzling and emotionally affecting conclusion.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results