JERRY OLEA: Nag-umpisa ang paglipad-lipad ng M. Butterfly sa iba’t ibang lungsod ng Pilipinas ngayong Pebrero 14, Huwebes ng 7 P.M., sa SM City Iloilo Cinema 6.

“Ito talaga yung vision ko, dati pa, na madala ang isang magandang proyekto, isang magandang teatro—sa Iloilo, sa Dumaguete, sa Cebu, sa Davao, sa Baguio,” nakangiting lahad ni RS Francisco (bida at producer ng nasabing musical) nang makausap ko sa FDCP Film Ambassadors Night nitong Pebrero 10, Linggo, sa Samsung Hall ng SM Aura.
“Excited akong magdala ng isang magandang produksiyon.”
Handa ba ang mga taga-probinsiya sa kapangahasan ng M. Butterfly?
“Siyempre!” napangiting bulalas ni RS.
“I don’t wanna underestimate, just because you live in a far area, wala ka nang artistic abilities to understand and comprehend what that is.
“Sa akin, geography lang yun. It depends on the person himself, and I feel, the Filipinos in general...
“In fact, noong nag-show kami last year sa Maybank [Performing Arts Center], we had 80 percent first-time theater goers.
“Twenty percent lang yung mga nakapanood ng M. Butterfly before.
“Ang first-timers po namin, the first time makapanood ng teatro, first time makapanood ng isang set ng theater piece, e, nakita po nila kung gaano ka-monumental, gaano ka...
“Naramdaman talaga nila yung impact ng M. Butterfly. At tumatak talaga sa kanila yun.
“So, alam ko, sa Iloilo, sa Davao, Dumaguete, Baguio, sa Cebu—sa lahat ng pupuntahan namin—M. Butterfly will make a mark, especially sa first-time theater goers!”

NOEL FERRER: Kakaibang kuwentong puso naman ang M. Butterfly.
Ibang putahe para sa mga kababayan natin sa probinsya. Sana, magustuhan nila.
GORGY RULA: Sa tulong ng Frontrow, kakayanin nina RS Francisco na dalhin sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang M. Butterfly.
Siyanga pala, ang dami kilalang celebrities na talagang nagbebenta ng Frontrow?
Itong M. Butterfly ang isa sa magandang produkto ng Frontrow, di ba?