Valentine concerts, bentang-benta pa rin sa mga Pinoy

NOEL FERRER: Valentine shows abound!

At kami ay nakapako sa Silver Lining The Concert ng aming kapamilyang sina Joanna Ampil, Reuben Laurente, at Arman Ferrer with Farley Asuncion as musical director and the UP Singing Ambassadors conducted by Sir Ed Manguiat.

 IMAGE Noel Ferrer

Tunay na world class ang kantahan—mapa-Broadway, pop o classical. Pati novelty, nairaos with the choir.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang spiel na tunay na pinalakpakan, at maaaring nagpaiba sa Silver Lining concert ay ang sinabi ni Joanna Ampil sa dulo na’t pa-encore na.

Ang sabi niya, “After self love and love of others. Apart from love of family and for our work. Another form of love is love of country.

“During these challenging times, it’s really getting scarier to those who truly love our country.

“We put our hearts to human rights and freedom of expression—and to all those who stand for these.

“We shall continue singing what we feel. Our shared voices will always be our strength...

“HELP ME MAKE A STAND. TAKE ME BY THE HAND. MAKE THE WORLD UNDERSTAND.

“Let this song express our sentiments.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Joanna Ampil Instagram

Spiels pa lang, pinapalakpakan na nang mga tao. Lalo pa’t tunay na makapanindog-balahibo ang kanta, lalo na sa mga nangyayari ngayon.

Segue sa pagkanta ng "Paraiso" na gawa ng ating National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.

GORGY RULA: Bago ako tumuloy sa radio program ko sa DZRH kagabi, napadaan ako sa PICC.

Halos nagka-traffic doon dahil sa dami ng mga sasakyan na naghahanap ng parking space.

Lahat sila roon ay manonood ng Timeless Classics Valentine concert nina Martin Nievera at Lani Misalucha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Lani Misalucha and Martin Nievera
 IMAGE Noel Orsal

Pati ang Master of Love ni Ogie Alcasid kasama si Maestro Ryan Cayabyab ay sobrang successful din dahil napuno ang buong Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

 IMAGE Instagram

Nag-report sa akin ang kaibigan nating Ogie Narvaez-Rodriguez na nasa Araneta Coliseum naman siya para sa The Songbird and The Songhorse concert nina Regine Velasquez at Vice Ganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

8:25 P.M. daw nagsimula ang concert dahil maaga pa lang, napuno na agad ang Araneta.

Maraming lang daw kuda sina Vice na napapanood naman daw sa It’s Showtime at GGV, pero marami rin daw magagandang portion, gaya ng ginawa nila kay Anton Diva, na nasorpresa nang husto nang pinagbihis nila ito ng gown at isinama nila sa isang song number.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang cute din daw ng duet nina Regine at Robin Padilla na guest noong gabing yun.

Kaya kahit late na ng gabi, matindi pa rin ang traffic sa mga lansangan dahil nasa labas ang halos lahat na mga tao para i-celebrate ang Araw ng mga Puso.

JERRY OLEA: Kahit may karamdaman sina Jamie Rivera at Sweet Plantado ng The Company, tuloy pa rin ang pagkanta nila sa Music Museum sa Sweet Memory concert.

The show must go on!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Manonood sana ako ng Silver Lining The Concert, kaso wala akong masakyang taxi (pati Grab) mula Brgy. Palanan, Makati City papuntang BGC.

Nanood na lang ako ng LFS (9:30 P.M.) ng Alone/Together sa Cash n’ Carry.

Kahit 330+ cinemas ang pinagpalabasan ng LizQuen movie nitong Valentine’s Day, halos puno pa rin yung sinehan na pinanooran ko!

More and more ang post-Valentine shows.

Ngayong February 15, Friday, 8 P.M., ang big concert ng Aawitan Kita singers sa lamay kay Armida Siguion-Reyna sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Bukas (Pebrero 16, Sabado) ang Mother & Child concert ng mag-inang Dulce & David Ezra sa Zirkoh, Morato Avenue, QC.

Halos sold out na ang Josh Groban Bridges Tour na gaganapin sa Pebrero 22, Biyernes, sa MoA Arena. Guest dito si Lea Salonga.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close