Kilalang mag-asawa, matutupad na ang pangarap magka-baby

GORGY RULA: Naku! Naku! Hanapin ninyo kung nasaan ngayon ang kilalang mag-asawang ito?

Ang latest na nabalitaan ng PEP Troika, kahit abala si Hubby sa laban niya sa darating na Mayo, kailangan muna niyang mag-break sandali para samahan si Wifey na pumunta sa ibang bansa.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Matutupad na kasi ang pangarap nilang magka-baby!

Matagal na nilang plinano ito at naayos daw ang eggs na pina-fertilize ni Wifey.

Nakakuha sila ng magandang surrogate mom para magdala ng kanilang magiging baby, at success!

Abangan natin ang dala nilang pasalubong na cutie twinnie!

Doon na natin malalaman kung boy o girl ang dala nilang kambal.

Malalaman na rin natin kung may “K” ba talaga si Misis na maging mother!

Congratulations at good luck sa bagong yugto ng kanilang buhay!

Ang saya!

JERRY OLEA: Salamat po, Doktor! Natuloy ang matagal nang plano ng kilalang mag-asawa sa tulong ng isang mabangong negosyante.

I wonder kung itatampok ang kuwentong ito sa nangungunang Sunday show ng Kapuso Network.

NOEL FERRER: Sabi ko nga, pabor ako sa kahit na anong walang sinasagasaang tao, at makakapagpatatag ng mga relasyon ng ating kapwa.

Humayo kayo at magparami para magpalaganap ng kahusayan at kabutihan!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN