Winwyn Marquez, next target ang mauwi ang isa sa mga korona sa Binibining Pilipinas

GORGY RULA: Hindi pa masabi sa ngayon ni Winwyn Marquez kung sasali ba siya ulit sa Binibining Pilipinas o hindi.

Pinag-iisipan pa lang daw niya, dahil puwede pa siyang sumali hanggang next year.

IMAGE Noel Orsal

"Pinapakiramdaman ko pa, e, kasi kailangan i-drop lahat na kontrata ko pag sasali ako, e,” pakli ng 26-year-old beauty queen nang tinanong namin sa kanya kung totoong nagti-training na ba siya ulit para sa Binibining Pilipinas.

Tatlo hanggang apat na buwan daw siyang hindi puwedeng tumanggap ng ibang trabaho kapag sumali siya sa pageant.

"So, medyo mahirap, kasi I have Bench.

"'Tapos may gagawin po ulit ako na film with Regal na very excited din po ako, na sana, abangan nila yun.

"Alam ko, may pinaplano pa na teleserye.

"Ang hirap, kailangan mong i-weigh yung things. Hindi mo naman kailangang i-drop na lang basta-basta, kasi gusto kong sumali."

Hindi itinatanggi ni Winwyn na tina-target talaga niyang mauwi ang korona ng Miss Universe Philippines at puwede rin daw siya sa Bb. Pilipinas-Supranational kung sakali.

Kaya nandiyan daw talaga ang hangad niyang makasali ulit sa Binibining Pilipinas.

"Hindi naman mawawala yun, e. Pero siguro ngayon, happy naman ako sa napanalunan ko and happy naman ako sa tanggap ng tao.

"Kailangan na lang i-weigh kung ano yung mas kailangan kong gawin," sabi pa ni Winwyn, na siyang pinakaunang Pilipinas na nakoronahan bilang Reina Hispanoamericana noong 2017.

JERRY OLEA: Hanggang Top 15 lang ng Binibining Pilipinas 2015 si Winwyn.

Sa Miss World Philippines 2017 ay itinanghal siyang Reina Hispanoamericana-Filipinas.

Lumaban siya sa Bolivia at kinoronahang Reina Hispanoamericana 2017.

Naniniwala siguro si Winwyn na, "Try and try even if you already succeeded."

If ever, trying very hard ang dating niya.

Marami pang titles na puwede niyang asamin—Miss Earth, Miss International, Miss Intercontinental, Miss Global, Miss Asia-Pacific International, Miss Globe International, Miss Heritage, Miss Talent, Miss Model of the World, Miss Multinational, among others.

Kapag nag-asawa na siya, may mga timpalak pa rin na puwede niyang lahukan.

NOEL FERRER: Talaga, yun ba ang career path ni Winwyn? Maging Most WINning beauty queen?

In fairness, sa huli niyang international pageant, kinarir niya talagang manalo.

Hindi raw siya early favorite pero ginawa niya ang lahat para mapansin ng mga hurado.

And so she won the title.

In the meantime, bago siya mag-isip na sumali ulit ng beauty pageant, sana ay mapa-hit niya muna ang pelikula niyang Time & Again.

Sabi ni Direk Joey sa akin ay nakakaarte siyang talaga.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN