Cash prize na napanalunan ni Dennis Trillo sa MMFF, di na ibinigay

Cash prize na napanalunan ni Dennis Trillo sa MMFF, di na ibinigay
by PEP Troika
Feb 16, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER: Natuloy ang 2018 MMFF Appreciation Dinner nitong Pebrero 15, Biyernes, sa Azucena Hall ng Sampaguita Gardens, Valencia Street, Quezon City.

Dinaluhan ito ng mga kasapi ng MMFF Execom pati na ng iba’t ibang komite na nangasiwa ng pinakamatagal at pinakamalaking taunang fiesta ng pelikulang Pilipino.

 IMAGE Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

While we said Congratulations and Thank You to those who helped make MMFF 2018 a box-office success, ibinigay na rin ang mga premyo ng mga nagsipanalo ng awards.

Ini-launch din ang MMFF 2019 and hope that it’ll be bigger and better and more meaningful.
WHY?

Because we are celebrating the 45th Anniversary of the MMFF and it’ll coincide with the celebration of the Centennial of Philippine Cinema.

We want the producers to prepare the BEST films that they can submit this year.

Here are the DEADLINES:

LETTER OF INTENT (of joining) -- for full length films -- not later than 5:00 PM of APRIL 1 (Monday).

FOR SCRIPT SUBMISSION & Other Required Documents -- Not later than 5:00 PM of MAY 31 (Friday).

ANNOUNCEMENT OF THE 4 OFFICIAL SCRIPT ENTRIES -- July 5 (Friday)

FOR FINISHED FILMS: Submission of Finished Films among other requirements -- Not later than 5 pm of SEPT 2 (Mon) for early birds, and September 20 (Friday) for regular submission.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ANNOUNCEMENT OF THE FOUR OFFICIAL FINISHED FILM ENTRIES - October 19 (Tuesday).

For the STUDENT SHORT FILMS — Letter of Intent — Not later than 5:00 PM of April 30.

Deadline for Submission of Script -- Not later than 5:00 PM of July 15.

Announcement of the 16 Selected Scripts -- July 30.

Sana talaga, ngayon pa lang ay paghandaan na ng filmmakers ang entries na isasali. Sana, magaganda talaga!

GORGY RULA: Ang inaasahan kong dadalo sa Appreciation Dinner ng MMFF 2018 kagabi ay ang Best Actor na si Dennis Trillo.

Dennis Trillo
 IMAGE Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero wala siya roon dahil hindi pala ibibigay sa kanya ang cash prize gawa nang hindi siya nakadalo sa awards night.

May sakit kasi si Dennis noong Gabi ng Parangal noong December 27 kaya ang manager niyang si Popoy Caritativo ang tumanggap ng award.

Hindi na siya nag-abalang pumunta sa appreciation dinner dahil hindi naman pala ibibigay sa kanya ang cash prize na P100,000.

Ang Best Supporting Actress winner na si Aiko Melendez na hindi nakadalo kagabi ay ibinigay pa rin ang cash prize sa kanyang representative dahil personal naman niyang tinanggap ang award noong nakaraang Gabi ng Parangal.

Siyempre, ang big winner kagabi ay ang producer ng Rainbow’s Sunset na si Harlene Bautista, dahil may cash prize siya sa Best Picture at sa Gatpuno Antonio Villegas Award.

Kaya sabi ni Harlene, pinag-iisipan nila ang magandang material na puwede nilang i-submit sa MMFF 2019.

JERRY OLEA: Hindi na binanggit sa programa kung alin ang topgrossers, at kung magkano ang kinita ng bawat entry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Present ang best actress na si Gloria Romero, best supporting actor na si Tony Mabesa, at ang pinagkalooban ng Jury Prize na sina Eddie Garcia at Max Collins.

Tony Mabesa, Eddie Garcia, and Gloria Romero
 IMAGE Jerry Olea

Kinilala sila para sa Rainbow’s Sunset na iprinodyus ni Harlene.

Andiyan din ang best child performer na si Phoebe Villamor ng Aurora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Present din ang iba pang winners from Rainbow’s Sunset, gaya nina Joel Lamangan (director) at Eric Ramos (scriptwriter).

Aminado si Harlene na matapos humakot ng awards ang Rainbow’s Sunset, na-inspire siyang magprodyus muli ng pelikula na isasali kahit sa ibang festival.

Suportado ng MMFF ang Rainbow’s Sunset, na umabante sa WorldFest Finals. Nominado itong tumanggap ng Remi Award sa The 52nd Annual WorldFest-Houston sa Abril.

Siyanga pala, sina Direk Joel Lamangan, Liza Diño-Esguerra, at Bienvenido Lumbera na present sa MMFF Appreciation Dinner ay tumuloy kapagkuwan sa last night ng wake ni Armida Siguion-Reyna aka Tita Midz sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results