Manoling Morato, nakiramay sa huling gabi ng burol ni Armida Siguion-Reyna

Manoling Morato, nakiramay sa huling gabi ng burol ni Armida Siguion-Reyna
by PEP Troika
Feb 16, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

JERRY OLEA: Kabilang si Manoling Morato sa mga nakiramay sa huling gabi ng burol ni Armida Siguion-Reyna, aka Tita Midz, nitong Pebrero 15, Biyernes, sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Manoling Morato and Armida Siguion-Reyna
 IMAGE Jerry Olea / Facebook

“Matagal ang pinagsamahan namin... Hindi kami magkaaway!” bulalas ng 85-anyos na si Manoling, na MTRCB Chairperson noong 1986-1992 sa administrasyon ni Tita Cory.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Manoling, “We’re just making the movie industry more exciting! Buhay na buhay noong panahon namin iyan.

“We kept the showbiz alive.”

 IMAGE Jerry Olea

Paos si Manoling at nahihirapang magsalita. Makabubuting basahin daw natin ang kolum niya ngayong Pebrero 16, Sabado, sa People’s Journal.

Ibinuhos daw niya roon ang saloobin niya tungkol kay Armida, MTRCB chairperson noong 1998-2001 sa administrasyon ni Erap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hiningan namin ng reaksiyon si Bibeth Orteza, daughter-in-law ni Tita Midz, kaugnay sa pahayag ni Manoling.

Bibeth Orteza
 IMAGE Jerry Olea

Lahad ni Bibeth, “Nagpapasalamat naman ako sa lahat ng pumunta rito para makiramay sa amin, at makiisa sa aming kalungkutan.

“So, kung may dumadating dito na in the past, e, nagkaroon ng sitwasyon, nagkaroon ng alitan, hindi mo naman sila babastusin at paaalisin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil ang mangunguna pa rin, pasasalamat. Dahil I’m sure, kung andito ang mommy [Armida], mas gusto niya yung ano, e...

“Kasi, to that end, Armida was still old school. Manners is manners.”

NOEL FERRER: Good closure sa isang makulay na galit-bati na relasyon sa publiko ang meron sina Armida at Manoling.

Pero tulad ng kahit na anong kanta o istorya, natatapos din ito nang maayos at mananatiling nakatatak sa isip ng publiko kung paano nila pinagsilbihan ang industriya noong panahon nila.

All’s well that ends well.

JERRY OLEA: Hindi nagbatian sina Manoling at Direk Joel Lamangan sa burol ni Tita Midz.

Hindi rin natuloy ang pagsasalita ni Manay Ichu (Marichu Vera-Perez Maceda).

Kuwento ni Bibeth, “Sabi ni Manay Ichu, ‘Kaya ko namang magpunta diyan. Dahil sakay naman ako ng kotse. Pero sa kalagayan kong ito, pag nagsalita pa ako tungkol kay Armida, hindi ko kakayanin!’

“Ganun nang ganun. Kaya sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, Manay, hindi ko akalain na I would live to see the day na iiyakan mo ang pagkawala ng iyong best enemy na si Armida, at ni Macing [Senador Ernesto Maceda, asawa ni Manay Ichu].’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinapatawa ko, e. Sabi niya, ‘Tumigil ka! Mas marami akong luhang iniluha kay Armida kesa kay Macing!’

“Sabi ko, ‘Huwag namang ganyan, tatay ng mga anak mo ‘yan, e!’ ‘Love ko ang mga anak ko, pero mas love ko si Armida kesa kay Macing!’”

Kabilang pa sa mga namataan naming nakiramay sina Robert Arevalo, Barbara Perez, Senador Nancy Binay, Grace Poe, ang mag-inang Dra. Loi & Jackie Ejercito, Bienvenido Lumbera, Irene Marcos Araneta, Raquel Villavicencio, Ice Seguerra at Liza Diño-Seguerra.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results