Harlene Bautista, taga-That's Entertainment din ang bagong pag-ibig?

JERRY OLEA: Kinumusta namin kay Harlene Bautista ang kanyang Valentine’s Day nang mainterbyu namin siya sa 2018 MMFF Appreciation Dinner nitong Pebrero 15, Biyernes, sa Sampaguita Gardens, QC.

IMAGE Jerry Olea

“Nagluto yung panganay kong babae and then ganun lang,” nakangiti niyang sambit.

Kumpleto raw ang kanyang Araw ng mga Puso, at ang kulay nito para sa kanya ay pink.

Masaya ba siya ngayon?

“Oo naman!” mabilis niyang tugon. “E, kasi, yun ang gusto ninyong marinig... oo.”

May special someone siya?

“Di ba, soon nga?! Soon! Ganun ba ka-soon?! Ngayon din kaagad?! Ha! Ha! Ha!” natatawang tugon ng aktres, na producer ng pelikulang Rainbow’s Sunset.

Galing nga ba sa That’s Entertainment yung umaali-aligid sa kanya?

“Talaga ba?”

Nagbabalik na pag-ibig? Gaano na katagal? Sino ang dyowa niya?

Hindi nakahuma si Harlene. Tila hindi maapuhap ang sasabihin kaya tumungga na lang ng red wine.

“Lasingin nIyo na lang ako isang gabi, baka lumabas ‘yan! Ha! Ha! Ha! Ha! Game!”

NOEL FERRER: Walang masama kung magkaroon na si Harlene ng minamahal o nagmamahal.

Nauna si Romnick na nagkaroon ng relasyon, at hindi isyu sa kanila yun.

Nakita ko si Harlene minsan sa Greenbelt at hindi ko na pinansin ang kasama niya dahil may iba pa silang kagrupo.

Ang maganda niyan ay masaya si Harlene, sa love at sa life! Don’t we want that for ourselves, too?

GORGY RULA: Binanggit din ni Harlene na inaayos na ang annulment nila ni Romnick, na siya ang magpa-file.

“Hindi ko pa siya napa-file pero malapit na,” pakli niya.

“Kasi, nakakapagod din, ha? Nakaka-drain.”

Hindi niya diretsahang masagot kung handa na ba siyang harapin ito lahat, lalo na kapag nasa korte na ang kaso.

“Ready or not, kailangan mangyari, e. So, sabihing ready ako ngayon… ganun, e.

“Mahirap talaga, pero mas mahirap kung wala kang gagawin.

"Yun ang dapat mangyari para maayos," sabi pa ni Harlene na tila nahihirapan pa ring pag-usapan ang tungkol sa hiwalayan nila ni Romnick.

Okay raw sila ngayon, at nag-uusap sila para sa kanilang mga anak.

Ngayong araw nga ay hiniram daw ni Romnick ang mga anak nila para makasama nitong lumabas.

Hindi isyu sa kanila ang oras ng mga bata.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN