Moira Dela Torre, di nabigyan ng hustisya ang kundiman song?

GORGY RULA: Halos iisa ang reaction ng ilang kaibigang nakapanood sa pagpupugay ng ASAP Natin ‘To kay Armida Siguion-Reyna nitong Pebrero 17, Linggo, sa ABS-CBN.

Nalaglag daw sila sa kinauupuan nila nang kinanta ni Moira Dela Torre ang awiting "Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan" na wala sa tono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Moira dela Torre Instagram

Sabi ni Shalala, naluha-luha pa siya sa production number na yun, pero nang si Moira na ang kumanta, umurong ang luha niya.

Mabuti na lang, nandoon sina Kyla at Dulce na magaling sa mga kundiman.

Hindi naman bago ‘yan sa mga magagaling na singers.

E, si Moira, iba ang style ng mga kanta niya. Kaya hindi ito makakasira sa kanya.

Okay lang yun! Nagagalingan pa rin ako sa kanya.

Mas okay siguro kung mag-post na lang si Moira sa social media account niya para mag-sorry na hindi niya nabigyan ng hustisya ang kantang yun.

Para makabawi, try niya kaya gumawa ng sariling bersyon ng "Aawitan Kita"?

NOEL FERRER: Naku, hindi talaga uubra ang HARHAR singing sa mga kundiman.

Sayang at hindi nakasama si Cris Villonco sa production number na ‘yan na tribute sa kanyang Lola Armida dahil birthday ng mommy niyang si Monique.

Bagamat nagdadalamhati pa rin, ang aming pagbati kay Monique na tatagan ang loob ngayong panahon ng kalungkutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuloy ang buhay.

JERRY OLEA: Kahit palpak sa kundiman, gusto ko pa rin si Moira at ang estilo ng pag-awit niya!

Baka napuyat lang si Moira at nasa honeymoon stage pa?!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close