Miss Universe 2018 Catriona Gray at Clint Bondad, matagal nang break?

GORGY RULA: Ano ba talaga ang totoo kina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Clint Bondad?

May ilan kasing kaibigang nag-text sa akin na bakit daw nag-guest si Clint sa Eat Bulaga! nitong Pebrero 16, Sabado, at nagpakilalang boyfriend ni Catriona?

IMAGE Instagram

Napanood namin ang guesting niyang yun, kung saan naglaro si Clint sa "BOOM" segment kasama si Marco Alcaraz, ang asawa ni Miss International 2005 Lara Quigaman, at si Marc Nash, ang boyfriend naman ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago.

Tumaas ang kilay ng ilang nakakaalam sa relasyong Clint at Catriona dahil matagal na raw break ang dalawa.

Hindi naman daw sinabing mga ex-boyfriend ng beauty queens ang maglalaro sa Eat Bulaga.

Sabi ng ilang naka-text ko na nakakakilala kay Clint, bago pa mag-Miss Universe 2018 ay break na sila ni Catriona.

Kaya noong nanood daw si Clint ng Miss Universe grand coronation sa Bangkok, Thailand, hindi man lang siya itinabi ng upuan sa mga magulang ni Catriona.

Nang kinumusta ni Vic Sotto si Catriona kay Clint, parang hindi niya alam na dumating na sa Pilipinas si Miss Universe 2018.

Kaya ang tanong sa amin: nagkabalikan na ba sila?

NOEL FERRER: Kailan pa ba naging credential ang pagkaka-link sa beauty queen?

Dobleng effort dapat ang gawin ni Clint para magkaroon siya ng sariling identity.

JERRY OLEA: Sisingaw at sisingaw ang totoo.

Sa dami ng pinagkakaabalahan ni Catriona, the least of her priorities si Clint.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN