Kiko Estrada, walang awkward moment sa first taping niya sa ABS-CBN

JERRY OLEA: Sobrang saya si Kiko Estrada sa paglabas niya sa MMK nitong Pebrero 16, Sabado ng gabi, sa ABS-CBN.

IMAGE Jerry Olea

“Sobrang nakakataba ng puso yung mga reaksiyon, at mga feedback na natanggap ko,” nakangiting lahad ni Kiko nang mainterbyu namin nitong Pebrero 17, Linggo ng gabi, bago ipalabas ang Singkuwento movie niyang Promdi sa NCCA Theater, Intramuros, Manila.

“I’m so blessed na ibinigay sa akin yung role. RSB [Ruel S. Bayani], maraming salamat sa tiwala.”

Nakaisang taping na si Kiko para sa Kapamilya teleseryeng Kapalaran. Sa pagkakaalam niya ay sa Pebrero 22, Biyernes, ang next taping niya.

“Sobrang warm nung welcome nila sa akin, so, wala po akong mairereklamo,” sabi ni Kiko.

“Wala po akong masasabi kundi puro maganda... I’m just blessed, and I feel so loved.”

Walang awkward moment?

“Wala! Wala! The production made sure to make me feel comfortable at the start. So, wala na akong naramdaman na ganun.

“So, I was able to act in my full capabilities for the MMK, and I hope everyone liked it.”

May kontrata na ba siyang pipirmahan sa ABS-CBN?

“I’m focusing on one show at a time, and I told RSB that I’m going to his unit,” sambit ni Kiko.

NOEL FERRER: Kung kailan nag-GMA-7 na ang kasintahang si Devon Seron, saka lumipat si Kiko Estrada sa ABS-CBN. Bakit daw?

Napabayaan ba siya ng GMA o mas may assurance ba ang ABS-CBN kay Kiko?

Walang kontrata at per show lang ang commitment kay Kiko sa ABS-CBN, kaya dobleng sikhay para patunayan niya ang sarili niya.

Hindi ba’t nanggaling na rin siya sa Kapamilya network noon at lumipat? Anyare talaga?

GORGY RULA: Ang huling nakuha kong balita sa pag-alis ni Kiko sa GMA-7, parang hindi na siya pinigilan.

Okay kaya yun sa isang artista na parang wala naman sa isang istasyon kung gusto niyang umalis?

Ang pagkakaalam ko kasi, may kontrata pa talaga siya sa GMA Artist Center, pero nang nagpaalam na sila sa GMA-7, pinayagan at ini-release na siya ng GMAAC.

Baka nga naman lalong magningning ang career niya ngayong nasa Kapamilya network na siya.

Kaya good luck kay Kiko, at ngayong nasa GMA-7 na ang girlfriend niyang si Devon Seron, sana ay mabigyan ito ng magandang career ng Kapuso Network, di ba?

JERRY OLEA: Sinamahan ni Devon si Kiko sa panonood ng Promdi nitong Linggo.

Ngayong Pebrero 18, Lunes ng 2 P.M., ay sasamahan uli ni Devon si Kiko sa panonood ng short film ng aktor na Man in My Dreams.

“Alam mo naman si Devon, mahiyain. Ayaw niya kasi na... if it’s not her night, she wouldn’t want to be interviewed,” saad ni Kiko.

“So, I respect that. Pero yung support niya, grabe. I feel it naman.

"I feel blessed to have that type of person who has mg back no matter what."

Maganda ang takbo ng relasyon nila ni Devon.

Paliwanag ni Kiko, “If you live a simple life, 'tapos mahal yung isa’t isa, at naiintindihan yung trabaho ng isa’t isa... yun lang naman yun, e.

“But of course, we want success for each other. So, there’s a borderline with everything.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN