Marco Gallo, itinangging ginagamit niya si Juliana Gomez

JERRY OLEA: Pinaratangang user-friendly si Marco Gallo dahil sa pag-amin niya sa past relationship nila ni Juliana Gomez.

IMAGE Jerry Olea / Instagram

“Sa tingin ko naman po, sa mga nagsasabi ng ganun, siguro po, kilalanin po muna natin ang mga tao at kung anong pinagdaanan nila,” malumanay na sagot ni Marco sa presscon ng pelikulang Familia Blondina nitong Pebrero 17, Linggo, sa Racks restaurant, Timog Avenue, QC.

“And I don’t find a reason to use that, because she’s not even in showbiz.

“And she’s been so nice to me, so why should I user her? Parang ganun.

“I mean, she gave me her friendship and that’s important.

"That’s such a big thing, na hindi lahat ng tao, ang ibinibigay ngayon, hindi mo alam kung totoo sila sa ‘yo o hindi ba.

“So, I’m happy that I can trust her. Parang ganun.”

Nilinaw ni Marco na magkaibigan pa rin sila ni Juliana, kaya there’s nothing to reconcile between them.

“Hindi naman po kami nag-away. Friends po naman kami,” matamang pahayag ng young actor.

“I mean, even when we broke up, it was a friend thing. We were happy happy about it.

“Kasi, that’s life. Go on! Move on!”

Kumusta ang Valentine’s Day niya? May niregaluhan ba siya, pinadalhan ng flowers?

Tumamis lalo ang ngiti ni Marco, “Nanay ko... ano, binigyan ko ng ice cream! Kasi, late na ako dumating!

“Kaya binilhan ko na lang siya ng ice cream. E, tulog... nagalit pa! Ginising ko! Ha! Ha! Ha! Kaya ayun po!”

Sa Pebrero 27 ipalalabas ang Familia Blondina, na pinagbibidahan ni Karla Estrada, sa direksyon ni Jerry Sineneng.

NOEL FERRER: Hindi ko pa nami-meet si Marco pero I’ve heard of him through Goma.

Sana nga, tama ang desisyon niyang magbalik-Pinas at magbalik-showbiz.

Bakit nga pala siya umalis noon?

Oh well, sana may mai-contribute siyang maganda sa local showbiz na magtatagal para hindi siya matulad kina Tom Babauta at Danni Vanni, pati na sa Montero Brothers.

Sana, may talent at suwerte siya talaga. Iba yung may ganun ka pareho, e.

Good luck, Marco!

GORGY RULA: Sinabi ni Marco sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda na napagod lang siya noon, kaya gusto niya muna ng break.

Parang nanibago raw siyang punung-puno ang schedule niya at nawalan na siya ng panahon para sa sarili.

Pero hinanap pa rin pala niya ang showbiz kaya bumalik siya rito.

Sana, makapag-adjust na siya ngayon, lalo na kung sumikat pa siya at dumating ang panahong hindi na niya hawak ang schedule niya.

Sa tono rin ng mga sagot niya kay Kuya Boy, parang nandiyan pa rin ang pagtingin niya kay Juliana, at malay natin, di ba?

Ewan ko lang kung okay yun kina Mayor Goma at Cong. Lucy.

Mapapasigla kaya lalo ng Familia Blondina ang showbiz career na binalikan ni Marco Gallo?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN