NOEL FERRER: Tuloy ang pagdadalamhati ng show business sa pagkamatay ng asawa ng theater actress na si Menchu Lauchengco-Yulo na si Jose Luis "Sel" Yulo, 63, at ang driver nitong si Nomer Santos, 51.

Ayon sa mga report, two motorcycle-riding gunmen pulled beside their van and opened fire along EDSA sa Mandaluyong City, kahapon, February 17.
May kasama ring babae sa van, si Esmeralda Ignacio, na nasugatan at dinala sa VRP Medical Center, kung saan idineklara sina sina Yulo at Santos na dead on arrival.
Ang sabi ng Mandaluyong police, “He has a lot of businesses in Metro Manila and Laguna. We are now looking, baka ito ay related to his businesses.”
Si Menchu Lauchengco ay kilalang aktres sa teatro na huling napanood sa pelikulang Ang Larawan. Kasama rin siya sa musical na Ang Huling El Bimbo.
Kapatid niya ang singer-actor na si Raymond Lauchengco.
GORGY RULA: Papalapit ang eleksyon, mukhang marami pang magaganap.
Kahit hindi man election-related ang ambush na ito, lalo pa tayong mag-ingat dahil parang kahit sino na lang, tinutumba.
Nakikiramay po kami.
JERRY OLEA: Panahon ng Pagdadalamhati—iyan ang shout out ko sa Facebook nang masilayam ko sa socmed ang pictures ni Janine Gutierrez sa premiere night ng pelikulang Elise.
Nakaburol kasi noong panahong iyon ang ina ng rumored boyfriend niyang si Rayver Cruz, at sariwa pa sa aking diwa ang pagyao ni Pepe Smith.
Nagkasunud-sunod kapagkuwan na pumanaw ang komedyanteng si Bentong, ang ama ng premyadong scriptwriter na si Eric Ramos, ang ina ni Joey de Leon, si Armida Siguion-Reyna aka Tita Midz, at ngayon, ang mister ni Menchu.