Angel Locsin, nag-walkout sa taping ng The General's Daughter dahil sa direktor?

GORGY RULA: Ang dami nang naglalabasang kuwento kaugnay sa napabalitang pag-walkout ni Angel Locsin sa set ng teleseryeng The General’s Daughter noong Pebrero 15, Biyernes ng hapon.

Hindi pa rin siya nagbibigay ng pahayag kaugnay rito, kaya kung anu-anong kuwento ang nakakarating sa PEP Troika kung bakit niya nagawa yun.

IMAGE Noel Orsal

Sandaling nakausap ko si Tirso Cruz III sa birthday party ng isang senatoriable noong Pebrero 16, Sabado, pero wala siyang maibahagi sa akin dahil late call daw siya noong araw na yun.

Pagdating daw niya ng set, wala na si Angel. Kaya hindi raw niya nasaksihan ang buong pangyayari.

Pero isang source ang naka-text ng isang kaibigan na nagsabing nasaksihan daw niya ang buong pangyayari na umabot sa pag-walkout ni Angel.

Pagkatapos daw ng eksena niya kay JC de Vera, nagwala raw si Angel dahil sobrang na-stress siya sa madalas na pagmumura at pagsisigaw diumano ng direktor nilang si Direk Manny Palo.

Kaya umalis na lang daw si Angel sa set, na nag-dialogue pa ng tipong, “I cannot take this anymore.”

May dagdag pang kuwento ang isang source ng PEP Troika na napapagod na rin daw ang ibang artista sa paulit-ulit kung mag-take si Direk Manny.

Tinanong ko naman si Tirso tungkol sa kuwentong ito tungkol kay Direk Manny, itinatanggi niya. Okay naman daw sila.

Ilan pa sa mga kuwentong nakarating sa amin, madalas din daw nali-late si Angel sa set. Hindi na lang daw makaangal ang ibang artista.

Minsan ay pinakiusapan pa raw niya ang isang co-star na kung maari, huwag naman napakaaga dumating sa set.

Pero sinagot daw siya ng co-star niyang ito na mabuti na yung maaga para makapaghanda siya nang mabuti.

Itutulog na lang daw niya sa set, kung hindi pa siya makukunan.

May problema ba talaga sa taping ng The General’s Daughter?

Kay Angel ba ang problema, kay Direk Manny Palo o meron pang ibang dahilan na hindi pa napapag-usapan?

Bukas ang PEP Alerts sa lahat na bumubuo ng The General’s Daughter, lalo na kina Angel at Direk Manny, para maliwanagan ang lahat sa nangyari sa set ng naturang teleserye.

NOEL FERRER: May pinagdadaanan ba si Angel ngayon?

Si Direk Manny Palo, kailangan bang mag-anger management at i-improve ang pakikitungo sa mga artista?

Mabait silang pareho sa akin, pero iba ang pressure ng trabaho.

Nakakalungkot dahil kakasimula pa lang ng teleserye, e, namamarkahan na nang ganito.

I trust Deo Endrinal and the very efficient Dreamscape group to be on top of this.

JERRY OLEA: Hell has no fury like an Angel scorned?!

Huwag sanang maging demonyita ang dating ni Angel!

Nawa’y maayos ng kinauukulan ang gusot na ito sa lalong madaling panahon, or else... baka mag-domino effect at maapektuhan ang iba niyang commitments.

Aba! Totoo ba na yung isang shoot niya last week sa Mandaluyong para sa isang website, kinansela niya the night before at hindi naman niya sinipot ang isa pang shoot niya para sa isa pang website?!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN