Liza Soberano, naka-bonding ang Portuguese-American half-brother

JERRY OLEA: Tuwang-tuwa si Liza Soberano na maka-bonding muli ang 22-year-old half-brother niyang si John, na kadarating lang last week mula sa U.S.

Kapatid ni Liza sa ama si John, na una niyang nakita noong magbakasyon siya sa Amerika last Christmas.

Ang pangalan ng kanyang half-brother ay isinunod sa pangalan ng kanyang ama.

Liza Soberano with brother John
IMAGE Courtesy of Ogie Diaz

Siyempre, masayang-masaya si Daddy John na mayakap muli ang kanyang anak na si John, na 6 months old pa lang nang huli niyang masilayan.

Buti, pumayag ang Portuguese mommy ni John na dumalaw ito sa lupang hinirang.

Post ni Ogie Diaz, manager ni Liza, sa Facebook nitong Pebrero 19, Martes ng madaling-araw, ninanamnam ni Daddy John ang presensiya ng anak bago ito bumalik sa U.S. sa Abril.

Lahad ni Ogie sa FB, “Andito si John para makapiling si Liza at ang pamilya nito. Close na close na agad ang dalawa.

“Actually, na-meet na rin ni John si Enrique Gil at tingin ko kahapon sa tsikahan nila ay close na rin sila.”

Sabi pa ni Ogie, mas guwapo sa personal si John, na six-footer.

Dagdag ni Ogie, “May dalawang kapatid na lalaki si John doon sa nanay niyang Portuguese.

“Si Liza, may kapatid na buo kay Daddy John... Justin ang name. American ang mother nila.

“May lima pang kapatid sina Liza at Justin sa kanilang ina.

“At si Daddy John, may asawa ngayon na Pinay. May half-sister dito sina Liza, John at Justin... ang one-year old na si Rian Love.”

NOEL FERRER: Maganda ang family bonding na iyan para kay Liza Soberano para patuloy siyang nakaangkla sa pamilya.

Maipagmamalaki niya sa kanyang kapatid ang bago niyang pelikulang Alone/Together na kahit napanood ko na nang dalawang beses ay hindi nakakasawa.

Grabe ang ibinigay ni Liza sa pelikula na tunay namang kapuri-puri.

GORGY RULA: Sa dami ng magagandang pangyayari sa buhay at career ni Liza, dapat ding mabuo na rin at masaya ang buong pamilya.

Mapapanood kaya sa MMK ang kuwentong ito sa buhay ni Liza Soberano?

Sana, simulan na rin ni Liza ang Darna. Tamang-tama lang ito pagkatapos ng success ng Alone/Together.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN