JERRY OLEA: Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Pebrero 15, Biyernes, nagtala ang FPJ’s Ang Probinsyano ng 39.1%, samantalang ang finale episode ng Cain at Abel ay naka-15.9%.
Sa National TV Ratings ng Kantar Media nitong Pebrero 18, Lunes, nagtamo ang FPJ’s Ang Probinsyano ng 41%, samantalang ang pilot episode ng Kara Mia ay 17.9%.

Hindi natinag ang primetime teleserye ni Coco Martin!
Ito pa rin ang No. 1 program sa telebisyon!
Hindi kaya mas mabuting pagpalitin ng timeslot ang TODA One I Love at Kara Mia na pinagbibidahan ni Barbie Forteza?
Kabog ng Halik ang TODA One I Love nina Kylie Padilla at Ruru Madrid.
E, sa NUTAM People Ratings, fantastic noon ang Inday Will Always Love You ni Barbie kontra sa Halik, di ba?!
NOEL FERRER: Ngayong lantad na ang pagka-novelty ng Kara Mia, ang tanong... paano na nito matatapatan FPJ’s Ang Probinsyano?
Alam nating hindi kasinlaki ang risk dito than Cain At Abel. Paano ito makaka-survive, coming even from Victor Magtanggol?
Sabi nga ng isang film producer, “Baka naniniwala ang GMA sa B movie motto na 'it’s so bad that it gets so good.'”
GORGY RULA: Hinihintay ko pa ang resulta ng NUTAM mula sa AGB Nielsen, pero kung ganoon kalaki ang agwat sa survey ng Kantar Media, malamang na hindi nakahabol yung Kara Mia.
Masaya naman ang bumubuo ng bagong telefantasya ng GMA 7 dahil magaganda ang feedback na nakararating sa kanila.
Ayaw ma-pressure ng dalawang bida na sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.
Sabi ni Barbie, ayaw niyang magpa-pressure sa matinding katapat.
“Ayokong isipin yung kumpetisyon, kasi lalo lang akong mapi-pressure.
“Nung unang in-offer sa akin ‘tong Kara Mia, wala naman po itong timeslot. As in, show siya talaga, hindi nila sinabi kung anong oras.
“Exciting naman yung show namin, e. Kaya doon ko na lang tinutuon yung atensiyon para isipin ko pa may kumpetisyon, kasi baka mas maging masama yung resulta kung iisiipin namin yung rating, yung kumpetisyon.
“Basta, mag-focus na lang kami sa show,” pahayag ni Barbie.
Abangan na lang daw ang mga susunod nilang episodes dahil ibang-iba ito sa katapat nilang programa.
Tingin ko, hindi nila papalitan ang timeslot dahil lumalaban ang TODA One I Love sa Halik.
Ayon sa AGB Nielsen, may episodes na natatalo ng TODA ang katapat na Halik kahit mainit pa rin itong pinag-uusapan.