Paolo Contis at LJ Reyes, ayaw pahawakan sa iba ang anak na si Summer Aryanna

GORGY RULA: Wala palang ibang puwedeng humawak sa baby Ayanna Summer nina Paolo Contis at LJ Reyes kundi sila lang.

Sobrang hands on sa pag-aalaga ang mag-partner sa kanilang anak, kaya talagang inaayos nila ang schedule na dapat merong maiiwang isa sa kanila para may mag-aalaga sa kanilang anak.

May yaya sila, pero nag-a-assist lang ito at naglalaba ng mga isinusuot ng bagets.

“Ligo, buhat, lahat, amin,” pakli ni Paolo nang nakausap namin sa presscon ng bagong daytime drama ng GMA-7 na Hiram na Anak, na magsisimula na sa February 25, Lunes, bago mag-Eat Bulaga.

“Ever since naman ganun, e. Lahat, ligo… kaya timing lahat.

“Kaya kapag dire-deretso ang trabaho ko, may oras na si LJ nahirapang maligo, kasi walang puwedeng humawak.

“Pag tulog si Summer, saka siya titiyempo,” sabi pa ng Kapuso actor.

May mga nagsasabing gumawa sila ng sarili nilang YouTube channel para mapanood kung paano sila mag-alaga.

Naaaliw kasi sila sa ginagawa ni Paolo, gaya ng pag-inom ng breast milk at ang kakaibang lullaby niyang pampatulog sa kanilang anak.

Pero ayaw ni Paolo. Kung kailan lang daw niya type mag-post, doon niya gagawin.

“Sabi ko, kaya kayo natatawa sa posts ko, kasi nagpu-post ako pag trip ko lang.

“Pag nagka-You Tube channel ka, nagiging responsibilidad na siya, at hindi ko kaya yun.

"Kasi, minsan lang ako may naiisip kaya kayo natutuwa,” saad niya.

Ang ikinakatuwa ni Paolo, dahil sa mga ipinu-post niya tungkol sa kanilang baby, bumabaha raw ang mga regalo sa kanila mula sa iba’t ibang baby products.

“Yun ngayon, ang mga regalo, nakakaloka, bumabaha! Super dami ng blessing.

“Sabi ko nga, I will not ask for anything that I do not believe in, or I do not use.

"Kasi, ayokong mapilitan," sabi pa ni Paolo.

NOEL FERRER: Bilib ako at niyakap na talaga ni Paolo ang pagiging tatay.

At in fairness, ngayon lumalabas at naha-highlight ang husay niya bilang aktor.

Deserve ni Pao mabigyan ng magagandang pagkakataon tulad nitong bagong teleserye, at sana magaganda pang pelikula!

JERRY OLEA: Masigasig si Paolo sa trabaho dahil pinapanindigan niya ang pagiging haligi ng tahanan.

Nakakatuwang hands on sila ni LJ sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Wala nang bakas ng pagiging chickboy si Paolo.

Isa na siyang super-tatay!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN