NOEL FERRER : “I found my Elena, and she is Izadora...
“Abangan ang aking unang pelikula, Pandanggo sa Hukay para sa Cinemalaya 2019.
“Btw, ‘Kamukha niya si Mama Mary’ -- Ginny �???
#Cinemalaya2019
#WomenHelpingWomen”
Ito ang post ni Shery Rose (She) Andes, estudyante ni Ricky Lee at isang guro ng digital filmmaking pagkatapos makipag-meeting sa talent naming si Iza Calzado.

Timing na in-offer ang pelikulang Pandanggo Sa Hukay (na nanalo sa Palanca Literary Awards, screenplay ni Adrian Legaspi) nang tapos na ang teleseryeng Ngayon at Kailanman.
Hinihintay pa rin ni Iza ang pagsisimula ng isang monumental project later this year.
Sabi ni Iza tungkol sa Pandanggo Sa Hukay, “Ang ganda lang talaga ng materyal! It’s all about women empowerment and it’s along my advocacy din sa aming ‘She Talks Asia’ na magkakaroon ng taunang summit sa March 16.”
Gaano kaganda ang role?
It is a very special and challenging role na uunahin pa ni Iza na gawin kaysa mag-honeymoon. Ganun!

JERRY OLEA: Ito ang ikatlong Cinemalaya entry ni Iza, di ba?
Sa Mga Mumunting Lihim (2012), best actress at best supporting actress silang apat nina Judy Ann Santos, Agot Isidro, at Janice de Belen.
Iyong Distance (2018), lalahok sa iba’t ibang international filmfest.
Nagawa ni Iza last year ang Distance habang hinihintay niya ang isang monumental project, na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin niya.
GORGY RULA: Nakakatuwa kapag may magagaling na big stars ang kasali sa inaabangang filmfests, kagaya nitong Cinemalaya.
Maingat si Iza sa projects na tinatanggap niya kaya, kahit taun-taon siya may entry sa Cinemalaya, okay lang.
Mukhang magaganda ang mga entry na kasali ngayon.
Curious ako sa ididirek ni Xian Lim na ilang araw na lang daw ay matatapos na ang shooting, at sa Belle Douleur ni Atty. Joji Alonso na nasa post-production na.