Kathryn Bernardo at Alden Richards, magtatambal sa pelikula?

NOEL FERRER: Naulinigan naming pagsasamahin sa isang pelikula ang Kapamilyang si Kathryn Bernardo at ang Kapusong si Alden Richards.

Bago at fresh na combination ‘yan that is coming at a time when love teams are experimenting and they are being paired with different partners.

IMAGE Noel Orsal

Pagkatapos gumawa ni James Reid ng Miss Granny with Sarah Geronimo, na may Xian Lim na walang Kim Chiu, heto naman si Nadine Lustre doing a project called Ulan with Carlo Aquino.

Nagawa na ni Enrique Gil na magka-Dukot at si Liza Soberano naman ay magkaka-Darna.

Habang si Daniel Padilla ay minsan na ring nagsarili sa Bonifacio, at si Kathryn Bernardo naman ay nagka-Three Words To Forever.

Heto at pagkatapos ng Jack Em Popoy, The Puliscredibles, kung saan nagkamabutihan ang ArDub (Arjo Atayde & Maine Mendoza), heto na si Alden doing a film project with Kathryn via Star Cinema.

Ayon sa nasagap naming balita, ang KathDen movie ay ididirek, hopefully, ni Cathy Garcia-Molina, who seemed to have stuck with Kathryn sa last two movies niyang nagawa for Star Cinema.

Alden has already gone solo on TV (without Maine) via Victor Magtanggol... pero heto na ang rigodon de honor at acid test, lalo na kay Alden kung may film persona siya apart from the phenomenal AlDub.

Excited ako sa ganitong bagong pairings para bagong putahe naman, and mind you, it’s good for the artists’ growth and, yes, even audience’s maturity.

Teka, hindi ba makiki-co-prod ang GMA Films o ang APT Entertainment kung sakali dahil sa kanila nakapirma si Alden?

JERRY OLEA: KathDen! Why not?!

Excited ako sa kanilang kumbinasyon, lalo’t may kani-kanya silang masusugid na tagasubaybay at tagahanga.

Si Daniel Padilla, busy sa pangangampanya sa kandidatura ng amang si Rommel Padilla sa Nueva Ecija.

Ayon kay Comedy Momshie Karla Estrada, may dalawang pelikulang gagawin si Daniel this year.

Ayaw kumpirmahin ni Karla kung si Charo Santos ba ang co-star ni Daniel sa isa nitong movie.

Alangan namang magpaiwan sa kangkungan si Kathryn!

GORGY RULA: Tinatawagan ko ang ilang taong malapit kay Alden, hindi ko pa rin sila ma-contact.

Kung excitement ang unang naramdaman ni Sir Jerry, ako naman ay kaba.

Hindi sa box-office result ako kinakabahan kundi sa reaction ng fans kapag makumpirma ang project na ito.

Kinakabahan ako sa posibleng reaction ng KathNiel, AlDub, at solid fans nina Maine Mendoza & Daniel Padilla.

Ang isa pang pinangambahan ko ay ang relasyong Daniel at Kathryn.

Hindi kaya may problema talaga sa kanilang dalawa kaya nagkakanya-kanya muna sila?

Bahala na si Batman!

Sabi mo nga, Sir Noel, "If it will happen, it will happen."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN