Maliban sa LizQuen movie, matumal pa rin ang kita ng Pinoy films

NOEL FERRER: "Matumal, balik sa dati."

Iyan ang sagot ng takilyera nang makausap namin nang mapadaan sa isang mall kahapon, February 20, upang kumustahin ang box-office results ng mga nagbukas na Pinoy movies.

IMAGE Instagram

Partikular na rito ang Exit Point ni Ronnie Ricketts at Time & Again na pinagbibidahan naman nina Winwyn Marquez at Enzo Pineda.

Mas mahal pa sa one-day gastos ng isang shooting ng isang mainstream film ang combined kita ng dalawang pelikula.

Sa dalawa, Graded B ang Time & Again.

Ang tanong, after Valentine’s Day, ano ang susunod na profitable playdates?

Ganito rin kaya ang sasapitin ng mga ipalalabas pang pelikula sa mga susunod na araw?

Afraid!

JERRY OLEA: Nasa second week na ang LizQuen movie na Alone/Together.

Ayon sa sources ng PEP Troika ay naka-PHP7M ito nitong Pebrero 20, Miyerkules.

Noong Martes, February 19, lumipad pa-Dubai, U.A.E. sina Liza Soberano at Enrique Gil.

A-attend sila sa SOLD-OUT screening ng Alone/Together bukas, Pebrero 22, Biyernes, sa Reel Cinemas, The Dubai Mall, Dubai.

Keribels kayang abutin ng six weeks o 42 days sa local cinemas ang Alone/Together gaya ng The Hows Of Us?

Siyangapala, showing na next week ang Familia Blondina ni Karla Estrada at ang Second Coming nina Jodi Sta. Maria at Marvin Agustin.

GORGY RULA: Nakakalungkot na ang Time & Again ay ume-exit agad sa mga sinehan ang Pinoy movies.

Huwag sanang maging dahilan na naman ito ng balitaktakan nina Direk Erik Matti at Film Development Council of the Philippines Chair Liza Diño Seguerra.

Pero sa totoo lang, hindi pa rin pinanghihinaan ng loob ang producers.

Tuluy-tuloy pa rin sa pag-produce ng pelikula. Makakasuwerte rin 'yan. Sa tamang panahon.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN