Bayani Agbayani, pumayag mag-frontal nudity sa pelikula nila ni Gelli de Belen

GORGY RULA: Inumpisahan na ang promo ng pelikulang Pansamantagal ni Direk Joven Tan, tampok sina Bayani Agbayani, Gelli de Belan, at DJ Chacha.

Sa March 20 ang showing nito.

Pero sabi ni Bayani, hindi niya alam kung ano ang reaksiyon ng MTRCB kapag na-review nila ang pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Gorgy Rula

Sa trailer pa lang kasi, diretsahang binabanggit ang maselang bahagi ng lalaki.

Talagang binabanggit ng tatlong bida ang salitang t*t* kung maliit ba ito o malaki.

Ayaw lang nilang idetalye kung paano na-execute sa pelikula, pero meron daw frontal nudity, na pati si Bayani ay meron din daw at babad pa.

Kaya pabirong pahayag ni Bayani, “Tingin ko, triple X ‘to. Baka hindi ito ipalabas sa mga sinehan.

“Baka sa betamax na. Ibalik natin ang betamax.”

Pananaw ni Bayani, iba na ang jokes ngayon na nasasakyan ng millennials.

Okay lang sa kanila ang diretsahang pagbanggit ng mga salitang bastos sa pandinig ng ibang manonood.

Iyon daw ang pelikula nila na sana, tanggapin ng wholesome viewers niya sa telebisyon.

“Ito kasi yung comedy na matapang ang mga dialogues dito, matapang ang istorya, matapang yung mga eksena.

“Sa akin, ha? Bilang pinangangalagaan ko ang wholesome televiewers ko, pero dito, sumugal ako. Kasi, tingin ko, maintindihan ito ng millennials.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun na ngayon, e. Tanggap naman na, e.

“Tanggap na ng tao yung mga ganung klaseng jokes, e,” pahayag ni Bayani nang nakapanayam namin nitong Pebrero 20, Miyerkules, sa tanggapan ng Horseshoe Films.

Sa tingin niyo po ba, mga ka-Troika, bentang-benta na sa mga manonood ang mga comedy na may mga mahahalay na dialogues, gaya ng napanood natin sa mga pelikulang Born Beautiful at Ang Pangarap Kong Holdap?

NOEL FERRER: Alam niyo ba kung sino ang inspirasyon ng kaibigan nating si Direk Joven Tan sa role ni Bayani riyan?

Walang iba kundi ang yumaong character actor na si Nonong de Andres o mas kilala bilang Bangky.

Nahihirapan lang partneran ni Direk Joven si Bangky noon hanggang makahanap sila ng beauty queen, pero hindi na ito inabot ng character actor.

Mukhang kay Bayani talaga nakalaan ito.

Sana, kumita! Sana talaga!

JERRY OLEA: Malay mo, malay ko, Malaysia!

Baka maging sleeper hit ito, gaya ng Kita Kita at Heneral Luna. Hope springs eternal, 'ika nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-bleep ang matatapang sa salita sa Born Beautiful bago naaprubahan ng MTRCB. Ganun din siguro sa Pansamantagal.

Marami-rami na ang Pinoy movies na may frontal nudity. Kung nagbuyangyang nga si Bayani ng kanyang ari-arian, pakiwari ko’y meron iyong kabuluhan at hindi pampalibog.

Iyong Ang Pangarap Kong Holdap, nahirapan noon na makakuha ng mga sinehan. Ganoon din ang sinapit ng huling pelikula ni Gelli na Ang Sikreto ng Piso.

Basta ako, inaabangan ko sa Abril ang Avengers: Endgame. Iyon, nasisiguro kong kikita ng limpak-limpak.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close