JERRY OLEA: Nasa 2nd week na ang showing ng Alone/Together.
As of February 21, Thursday, umabot na sa P200.7M ang kinita ng Valentine movie nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Ito ay ayon sa Black Sheep, na kabilang sa bagong brands ng ABS-CBN Productions, Inc.

Nasa Dubai, UAE, ang LizQuen para sa sold-out screening ng Alone/Together ngayong Pebrero 22, Biyernes, sa Reel Cinemas, The Dubai Mall, Dubai.
More & more ang international/intercontinental screenings ng Alone/Together.
Naitanong ko na ito noon... kaya bang lampasan ng Alone/Together ang kinita ng The Hows Of Us?
Six weeks (42 days) sa mga sinehan ang huling pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Walang holiday o okasyon sa playdate (Agosto 29, 2018) ng KathNiel movie.
Ayon sa sources ng PEP Troika, sa katapusan ng 2018 ay umabot sa P915M ang worldwide gross ng THOU.
NOEL FERRER: Para sa ikauunlad pa ng industriya, at para maitampok ang maayos na pelikula tulad ng Alone/ Together, sana ay mas pumalo pa ito sa box-office earnings ngayong long weekend.
At sana, ganun din sa iba pang parating na pelikulang Pilipino.
And I thank you!!!
JERRY OLEA: Mahirap sumuntok sa buwan, dilaw man ito o bughaw. Andiyan ang Law of Supply & Demand sa microeconomics.
Mahirap pilitin ang mga tao na magbayad sa mga pelikulang hindi sila interesado.
At ang ibang interesado, uunahin ang mas importanteng pagkagastusan gaya ng pagkain kesa sa panonood ng pelikula.