Maja Salvador, kinumpara kay Kelsey Meritt, ex-gf ni Rambo Nunez

by PEP Troika
Feb 23, 2019
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER: Pagkatapos lumabas ang photos sa social media na magka-holding hands ang aktres na si Maja Salvador at ang events at marketing/advertising head na si Rambo Nuñez, agad kong minessage ang malapit sa akin at kasama ko sa pagni-ninong sa mga okasyon na si Marilen Nuñez, ang ina ni Rambo.

Continue reading below ↓

Ang sabi ko, "I’m happy that they are happy," na sinagot naman niya ng, "Happy ka?"

Then I said, "Better than before."

Sagot niya sa akin, "Layo!"

Isa sa naging ex-girlfriends ni Rambo si Kelsey Meritt.

Ngayon, tunay ngang there’s a reason to celebrate. After about nine years mula nang nagkahiwalay sila, mukhang OK na ulit sina Rambo at Maja.

Truly, mothers know best!

GORGY RULA: Mabait kasi si Rambo, e. Magalang pa. Kaya sabi nga ng iba, baka naabuso lang ang kabaitan niya.

Pero siguro tapusin na natin ang isyu nila ni Kelsey Meritt, dahil nakikita namang pareho na silang nakapag-move on, at wala naman dito ang dalaga para ipagtanggol ang sarili.

Maging masaya na lang tayo sa kanilang dalawa, na bumobongga ang modeling career ni Kelsey sa Amerika at si Rambo naman ay masaya uli sa piling ni Maja Salvador.

Happy lang!

JERRY OLEA: Good vibes! Nawa'y magkatuluyan ang RaMaj! Nasa tamang estado na sila para lumagay sa tahimik. Di ba, Tita Marilen?!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results