Maganda, seksi at kontrobersyal na Kapamilya actress, mag-oober da bakod soon?

by PEP Troika
Feb 23, 2019

GORGY RULA: Pa-blind item pa ang tsika ng reliable source ng PEP Troika na matutuloy na rin daw next week ang contract signing ng kilalang aktor sa GMA-7.

Obvious namang si Derek Ramsay ang tinutukoy, pero mas mabuting hintayin na lang ang announcement ng Kapuso network.

Kinokontak ko kaninang umaga ang manager ni Derek na si Joji Dingcong, pero hindi niya sinasagot ang tawag at text ko.

Ang isa pa kasing narinig ko ay may nabuo na raw na magandang drama series para kay Derek, at isang magandang aktres na sexy rin ang makakatambal niya.

Sabi naman noon ni Derek na gusto niya ay mga bago ang makakasama niya at bagong material na hindi pa niya nagagawa.

Kung totoong si sexy actress itong makakasama niya, maganda silang tingnan at bagay na bagay.

Abangan na lang natin.

Pero heto ang isa pang ikinagulat ko!

Meron daw ngayon pag-uusap sa isang Kapamilya actress na posibleng lumipat ng Kapuso network.

Continue reading below ↓

Kilalang-kilala si aktres, kaya hindi ko akalaing may ganoong negosasyon sa kanya.

ILLUSTRATION Jeremiah Idanan

Pero posible naman dahil matagal-tagal na ring hindi ko siya napapanood sa mga programa ng ABS-CBN.

Maganda si aktres, sexy at kontrobersyal na rin.

Kung totoo ito, ano kaya ang reaksyon ng taong mahal na mahal niya?

Continue reading below ↓

Kaya ba niyang iwan ito sa Kapamilya network?

Abangan din natin ito!

JERRY OLEA: Kapamilya si Judy Ann Santos.

Kapuso ang mister niyang si Ryan Agoncillo.

Nagtapat pa noon ang kani-kanyang TV show.

Kapamilya na ang dating Kapuso na si Kiko Estrada.

Kapuso na ang kanyang kasintahan, ang dating Kapamilya na si Devon Seron.

Kung tunay at wagas ang pag-ibig, bale-wala kahit nasa magkalabang network ang magsing-irog.

Sa tingin ninyo, ang maganda, sexy at controversial actress e puwede bang itambal kay Alden Richards?

NOEL FERRER: Maiintindihan ko kung lilipat man siya.

At malamang, hindi siya hahabulin ng Kapamilya network.

Again, what do I always say, Tito Jerry?

Water seeks its own level.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results