Ang walang kakiyeme-kiyemeng si Kristofer King

Ang walang kakiyeme-kiyemeng si Kristofer King
by PEP Troika
Feb 24, 2019
PHOTO/S: Arniel Serato

JERRY OLEA: Kristofer King, pinakamahusay at pinakamapangahas sa lipon ng indie actors ng bansa. At salat sa kiyeme, latik sa interbyuhan.

 IMAGE Arniel Serato

Romano Reyes ang stage/screen name niya nang makapanayam siya ng katotong Ronald Rafer para sa isang magasin.

"Mabait siyang kaibigan at tunay na aktor!" sabi ni Ronald, na nagdidirek na rin ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasiklab ang kanyang pagganap sa unang pelikulang bida siya bilang leading man ni Katherine Luna sa Ang Babae sa Breakwater (2003), sa direksyon ni Mario O’Hara.

Proud na proud ang manager niya, ang katotong Dennis Adobas (RIP).

"Nangungusap ang kanyang mga mata! Parang si Nora Aunor!” palatak pa noon ni Dennis.

Naulinigan ko noon pa na dati siyang macho dancer. Na umindayog hanggang Baguio City ang kanyang katawang lupa.

Sa maraming pelikulang ginawa niya ay lumutang ang kanyang galing, kaya marami siyang nominasyon, at nagkamit ng awards.

Higit pa sa frontal nudity at simulated love scene ang kaya niya.

Sa glossy magazine na Climax ay nakabuyangyang ang halos kabuuan ng kanyang kaselanan.

Sa Serbis (2008) na idinirek ni Brillante Mendoza, babad ang eksena ng pag-B* sa kanya ni Julia Taylor, isang babae na ang papel ay bading na cross dresser.

Sa Showboyz (2009) na idinirek ni Crisaldo Pablo, matagal-tagal din ang eksena sa backstage ng gayb ar, kung saan hindi siya nag-e-erect kaya napagod si Toffee Calma sa pag-masturbate sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Taksikab (2011) na idinirek ni Archie del Mundo, babad sa umpisa ng pelikula ang kanyang masturbation scene hanggang ejaculation. Ayon sa isang insider, conditioner iyong supposedly t*m*d na pumulandit.

Taong 2009 ko siya nainterbyu sa bakuran ng Baclaran Church, kung saan diretso ang mga sagot niya sa mga tanong ko kaugnay sa kapangahasan niya sa pelikula, partikular sa Serbis.

Payag siyang gawin ang mga ganoong eksena upang magawa niya ang kaya pa niyang gawin.

Diabetic na siya noon at may anak na sinusuportahan.

OK lang ba sa kanya kahit totoong bakla ang mag-B*sa kanya sa eksena? Paano kung kailangan ng penetration?

Pag-iisipan pa raw muna niya. Kung talagang kailangan, bakit hindi?

Bitin ang interbyuhan namin noong gabing iyon. Sabi niya, dumalaw na lang ako sa set ng pelikula niyang Showboyz, kung saan macho dancer ang papel niya.

Makalipas ang ilang araw ay kasama ko ang isang beteranong direktor sa pagbisita sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkaibigan sila. Natigalgal ako nang kaswal na ikiniskis niya ang kanyang harapan sa beteranong direktor—wala namang kamera at hindi iyon eksena para sa pelikula.

Deadma lang si direk at sanay na sa ganoong pagbibiro niya.

Sa Facebook account niya, pinost niya ang litrato na nag-pose siya nang walang saplot para sa isang painting session.

Sana, i-replay ng Magpakailanman (GMA-7) ang episode na "Bayarang Adonis: The Kristofer King Story" (2013) na pinagbidahan ni Aljur Abrenica.

Paalam, Kristofer... Mananatili ka sa aking alaala.

NOEL FERRER: Mahusay siya talagang aktor.

Nang talent ko pa si Coco Martin (from Direk Briliante Mendoza), si Kristofer palagi ang ginagawa niyang sukatan ng husay at panghamon kay Coco to give his best.

Raw, powerful, gritty and intense, iyan ang laging description kay Kristofer. Walang learned mannerisms, simpleng swak at sapul sa emosyon lagi.

Kaya hindi kataka-taka nang magwagi itong best actor sa Oros ni Paul Sta. Ana, at tinalo nito si Coco sa Sta. Niña ni Manny Palo noong Cinemalaya 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sayang at hindi siya nakadalo noon sa parangal sa CCP dahil ang sabi ng tumanggap, e, may “booking.”

Anyway, nakikiramay tayo sa mga naiwan ni Kristofer lalo na sa kanyang anak na pinaglaanan niya ng kanyang pagpupunyagi.

Sana nga, maipalabas muli ang Magpakailanman episode ng buhay niya, kahit lumipat na sa Kapamilya network ang gumanap sa kanyang si Aljur.

Kung hindi man sa Marso 2, Sabado, agad-agad, e, baka puwede sa Holy Week.

GORGY RULA: Hinawakan ko dati ang publicity ng unang pelikulang pinagbidahan ni Kristofer, Ang Babae sa Breakwater, kung saan kasama niya si Katherine Luna (na magaling din), at dinirek ng namayapa na ring si direk Mario O’Hara.

Laging sinasabi noon ni Direk Mario na sobrang proud siya sa mga artista niya sa pelikulang ito. Proud din ako na nakatrabaho sila sa pelikulang ito, na isa sa pinakamagandang nagawa ni Direk Mario.

Bukod pa riyan, napakasimple ni Direk Mario na nagku-commute lang siya noon sa mga promo namin. Pati si Kristofer ay kasama niyang nag-MRT papunta sa ilang TV guestings namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakalungkot isipin na ang dami na pala nila sa Ang Babae sa Breakwater na nawala na. Namayapa na rin ang producer ng pelikula na si Mrs. Arlene Aguas, si Direk Mario, ang manager at mentor ni Kristofer na si Kuya Dennis Adobas, at ngayon, e, si Kristofer.

Naku, huwag po muna ako, Lord!

Read Next
Read More Stories About
Kristoffer King
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results