Misis ni Kristofer King, itinangging AIDS ang ikinamatay ng aktor

Misis ni Kristofer King, itinangging AIDS ang ikinamatay ng aktor
by PEP Troika
Feb 25, 2019
PHOTO/S: Arniel Serato

JERRY OLEA: Tampalasan ang mga nagtsitsismis na AIDS ang ikinamatay ng indie actor na si Kristofer King, 36, noong Pebrero 23, Sabado ng gabi.

 IMAGE Arniel Serato

“E, di sana, nagka-AIDS na rin ako,” pagtanggi ng asawa niyang si Nikki nang makausap ko nitong Pebrero 24, Linggo ng hatinggabi, sa Rizal Funeral Homes, 438 Cementina St., Pasay City (malapit sa Libertad).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala siyang AIDS!”

Kumplikasyon sa diabetes ang ikinamatay ni Kristofer. Nasa lahi ng ama at ina nito ang naturang sakit.

Kuwento pa ni Nikki, “Andito yung insulin niya, pinabaon ko sa kabaong niya. Kasi, wala nang gagamit ng insulin niya.

“Pinabuksan ko kanina [ang kabaong]. Sabi ko, ‘Sa ‘yo na ‘to, dalhin mo.’”

Nabigla si Nikki na hindi nagtagal sa ospital si Kristofer.

Lahad ni Nikki, “Ang sabi po ng doktor sa Adventist Medical Center, dinala siya doon... malala na.

“Nagkaroon siya ng nana sa likod. Hanggang sa may puwet niya, nagkaroon na rin ng nana.

“Kaya pagdating dun... wala na. Malala na, hindi na raw kaya, sabi ng doktor.

“Pero ano pa rin ako, pagdating ko kasi dun, nire-revive siya, e. Two hours na siyang nire-revive, ayaw pa rin.

“Ang ginawa ko, sabi ko, ‘Dok, baka puwede naman, ako naman. Baka puwedeng ako naman ang magre-revive para baka-sakali, kaya pa.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi, bumababa siya, e. Nag-question-question mark, saka gumuhit nang gumuhit, hanggang naging zero na siya.

“Pero hindi ako tumigil. Talagang inano ko pa siya.

"Sabi ko, ‘Bok, andito na ako. Gumising ka naman.’"

Lima ang mga anak nina Kristofer at Nikki. Ang mga ito ay edad 18, 12, 11, 10, at 5.

Dalawa sa mga lalaking anak ay may sakit na Hunter Syndrome, kaya tuwing Huwebes ay nasa PGH ang mga ito.

 IMAGE Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namana ba ng mga bata ang diabetes ni Kristofer?

Tugon ni Nikki, “Sa ngayon, siyempre mga bata pa. Hindi ko pa alam.

"Pero inaano ko sila na huwag masyado sa matamis."

Hindi pa alam ni Nikki kung matutuloy sa Marso 3, Linggo, ang libing ni Kristofer.

Hindi pa kasi niya nakukuha sa ospital ang death certificate. Kailangang bayaran muna ang hospital bill na P80,000.

Inutang din ni Nikki ang kabaong (P55,000) at bulaklak (P7,000).

Nitong Linggo nang 8 A.M. nasimulan ang lamay, at hatinggabi na ay wala pang nagpadala ng mass card o korona ng patay.

Utang din muna ang pinagbuburulang chapel—P4,000 bawat gabi. Bale P28,000 if ever kung pitong gabi ang lamay.

Ayaw na munang isipin ni Nikki kung ano ang kinabukasan nilang mag-iina.

NOEL FERRER: Nakakalungkot!

Ito ang isang side ng show business na hindi alam ng mga tao. Hindi porke’t artista ay magarbo at marangya na ang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sinapit ni Kristofer King ay magsilbing aral nawa sa mga taga-showbiz.

Sana ay matulungan si Kristofer ng Actors’ Guild, ang mga nakatrabaho niya sa pelikula, at yung mga politikong nagsasabing may malasakit sila sa ating industriya.

Nakikiramay kami sa pamilya ni Kristofer King.

GORGY RULA: Baka puwedeng mag-break muna si Imelda Papin sa pangangampanya?

Bilang presidente ng Kapisanan ng mga Aktor ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT), meron naman siguro silang maitutulong kay Kristofer at sa pamilyang naiwan.

Sinasabi naman noon ng ilang active sa KAPPT na kahit hindi miyembro puwede silang tumulong.

Sa totoo lang, marami pang mga taga-industriya na mas nakakalungkot pa riyan sa kuwento ni Kristofer ang sinapit nila, pero hindi lang kasi artista kaya hindi napapabalita.

Ang dami na ring pulitikong galing sa showbiz na laging ipinapangakong tutulong sa movie industry at mga kasamahan sa industriya, pero ang dami pa talagang may ganitong kuwento na namamatay na lang na walang naiabot na tulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuti na lang na marami naman sa mga sikat na artistang hindi nagdadamot at bukas ang pagtulong sa mga taga-industriyang nangangailangan.

Sana, makarating ito lahat kay Coco Martin, at tiyak namang magbibigay ito ng tulong sa dating kasamahan sa trabaho.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results