Maymay Entrata, nakipagsabayan rumampa kina Catriona, Pia, at iba pang beauty queens

IMAGE Allan Sancon

JERRY OLEA: Masigabo ang palakpakan kay Pia Wurtzbach nang rumampa siya sa fashion segment ng Raise Your Flag For Catriona Gray nitong Pebrero 24, Linggo ng gabi, sa Araneta Coliseum, Q.C.

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach
IMAGE Allan Sancon

Pero siyempre, mas malakas ang sigawan kay Catriona, na isinuot muli ang iconic magma-inspired gown, at nagpasiklab ng lava walk.

Miss Universe 2018 Catriona Gray
IMAGE Allan Sancon

Ang naunang rumampa sa fashion segment ay si Maymay Entrata, na bakas sa mukha at galaw ang nag-uumapaw na kaligayahan.

Maymay Entrata
IMAGE Allan Sancon

Rumampa rin sina Samantha Bernardo, Vickie Rushton, Michelle Gumabao, Jehza Huelar, Angelica Alita, Venus Raj, Shamcey Supsup, Ariella Arida, MJ Lastimosa, Maxine Medina, at Rachel Peters.

Tribute iyon sa fashion sense and style ni Catriona, na pinu-promote ang local fabrics.

IMAGE Allan Sancon

Bongga ang pagsasama-sama nila sa entablado!

Ani Catriona, “Mga kababayan, Filipino designers and Filipino beauty queens, what a winning combination!

“Thank you from the bottom of my heart po!

“But the most beautiful moment would not happen without the love, commitment and compassion of a woman who is the driving force behind the Binibining Pilipinas Charities, Inc.

“For me and for all the queens on the stage, and for all the queens of Binibining Pilipinas, she is our one and only mother and queen-maker.

“Words are not enough to express our gratitude to her, and our love and support for her will remain solid forever.

“Please join us here on stage, the one and only Madam Stella Marquez-Araneta!”

Agad na yumakap at bumeso si Catriona kay Madam Stella pag-akyat nito sa entablado.

Ibinigay ni Catriona kay Madam Stella ang hawak niyang bouquet of flowers.

IMAGE Jerry Olea

Ipapalabas ang Raise Your Flag For Catriona Gray sa Marso 10, Linggo, sa ABS-CBN.

GORGY RULA: So, kay Madam Stella Marquez-Araneta pa rin pala ang huling halakhak dahil nasa Binibining Pilipinas Charities, Inc. pa rin ang Miss Universe franchise.

Ewan ko lang sa year 2020. Baka doon na papasok si dating Ilocos Governor Chavit Singson.

Nakakatuwa ang suporta ni Pia Wurztbach kay Catriona. Nakikita kung gaano siya ka-proud sa reigning Miss Universe.

Bukas, February 26, nakatakdang bumisita si Catriona sa organizations na paborito niya, at magko-courtesy call kay VP Leni Robredo at iba pang opisyales ng gobyerno.

Makakapunta rin kaya siya sa Tondo para makita nila roon ang "silver lining" pagdating niya?

NOEL FERRER: Catriona deserves all these honors and this kind of victory celebration!

So, paano na ang deal with Governor Chavit Singson?

At ang maganda pang abangan ay ang pagtulong ni Catriona sa Department of Tourism, at ang pagpapatuloy ng kanyang singing career.

Teka, natuloy ba ang kanyang courtesy call sa Presidente natin?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN