Guests sa birthday ni Mommy Carol, na-impress sa pagkanta ng anak ni Juday

IMAGE Noel Ferrer / @officialjuday Instagram

NOEL FERRER: Nag-celebrate ng kaarawan si Mommy Carol Santos nitong Pebrero 25, Lunes, sa Madison Square sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City. 

Ang sinabi nilang tayu-tayo lang na party ay naging malakihang pagtitipon ng mga taong nagmamahal sa kanya.

 IMAGE Noel Ferrer / @officialjuday Instagram

Siyempre, pinangunahan iyon ng mga anak niyang sina Jeffrey, Jackie, at Judy Ann Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin ang kanyang mga kapatid at kaibigan, pati na ang tinatawag nilang "balaeng hilaw" na si Mommy Amelia Pascual.

Si Mommy Amelia ay ina ni Piolo Pascual na takot mapagalitan at mamura ng kaklase niyang si Carolina, kaya lagi siyang present sa mga pa-birthday piging.

Naiyak ang kapatid ni Mommy Carol na nagsabing, "Tough siyang tingnan pero napaka-loving niyan.

"Siya ang nagpaaral at bumuhay sa amin kaya itinuring namin siyang sister/mother/father all rolled into one."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Ferrer

Karamihan ay good health and more blessings ang wish kay Mommy Carol.

Bago nag-happy birthday song at cake blowing, hulaan ninyo kung sino ang kumanta at talagang na-impress ang mga tao sa boses niya?

Walang iba kundi si Yohan Santos-Agoncillo, panganay na anak ng mag-asawang Judy Ann at Ryan. 

View this post on Instagram

Ang ganda ng boses ni yohan �??? . @ralph.mercado igs

A post shared by Ms. Judy Ann Santos Agoncillo (@teamjuday) on

Ang sabi ng mga tao ay di hamak na "improvement of the race" kung kay Juday ikukumpara ang pagkanta.

Pero tila ayaw munang isabak ni Judy Ann ang anak sa showbiz. 

"Aral muna," ani Judy Ann na natatawa na lang sa mga title na naibansag sa kanya tulad ng pagiging Teleserye Queen na naging multiple platinum recording artist din. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Ferrer

GORGY RULA: Isa si Mommy Carol sa malapit at alaga ang movie press.

Hindi showbiz lang dahil artista ang anak niya kundi kaibigan talaga ang turing niya at totoo siyang makisama sa mga reporter. 

Happy birthday, Mommy Carol!

JERRY OLEA: Cheers, Mommy Carol!

Ano pa ba ang pangunahing iwi-wish namin sa 'yo kundi mabuting kalusugan?!

Stay happy and beautiful!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close