Arnell Ignacio, ayaw na sa gobyerno kaya nag-resign sa OWWA?


GORGY RULA: Kinumpirma ni Arnelli Ignacio na nag-resign na siya bilang Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Effective March 1 ay hindi na raw siya magtatrabaho sa naturang ahensiya.

 IMAGE Arnell Ignacio Facebook

"Kailangan ko nang magtrabaho. Kailangan ko nang kumita," pakli ni Arnell nang tinawagan ko siya nitong Pebrero 25, Lunes ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Arnell, "Nung December pa, binibilang ko yung mga tinanggihang raket, ang laki na.

"Ilang beses na ako kinukuha ng Ang Probinsyano, hindi ko tinatanggap, kasi hindi naman kaya sa schedule ko.

"Hindi naman ako kumikita dito, saka ang daming problema talaga ang mga OFW, na sarili kong problema, hindi ko na nahaharap."

Kaya ngayon ay sarili na raw niya ang asikasuhin at kailangan na raw niyang kumita.

"E, kung balasubas lang ako, puwede akong kumita rito, pero hindi ko naman magagawa yun, " pahayag ni Arnell.

Sa tono ng pananalita ni Arnell, parang hindi na siya magtatrabaho sa gobyerno, at babalik na siya sa showbiz.

NOEL FERRER: After Ice Seguerra, heto naman si Arnelli na gusto nang bumalik sa pagiging entertainer.

Knowing Armelli, sigurado akong hindi lang ito tungkol sa usaping pera.

I’m sure, may iba pang reason kung bakit wala na siya at tatapusin niya ang OWWA stint hanggang this week na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JERRY OLEA: Andaming taga-showbiz na umaasam na magkapuwesto sa gobyerno!

'Tapos, si Arnelli, umayaw?!

Ang Facebook account niya, nawala dahil sa kanyang pagsisilbi sa kapwa.

Tinimbang na mabuti ni Arnelli ang mga bagay-bagay bago siya umabot sa ganitong desisyon.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close