Misis ni Kristofer King, hindi na nag-aalala sa pagpapalibing sa aktor

by PEP Troika
Feb 26, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea / Arniel Serato

JERRY OLEA: Diabetic ang lahi ni Kristofer King (Christopher S. Reyes sa totoong buhay) sa ama at ina, na pareho nang pumanaw.

 IMAGE Jerry Olea

Lahad ng asawa ng aktor na si Nikki nang makausap ko sa ikalawang gabi ng lamay nitong Pebrero 25, Lunes, sa Rizal Funeral Homes sa Cementina St., Pasay City, “Ulila na po siya. Ang pamilya niya, ako... kami ng mga anak namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya sabi niya, ‘Kayo na lang ang pamilya ko.’ Yun ang sabi niya sa akin.”

Lima ang kanilang mga anak. Yung panganay na lalaki, e, 18-anyos at may Hunter Syndrome.

Ang isa pang anak na lalaki ay may ganoon ding karamdaman.

 IMAGE Jerry Olea

Tuwing Huwebes ay nagpapagamot ang mga ito sa Philippine General Hospital (PGH).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Masaya si Nikki na may mga tumulong sa kanila, sa pangunguna ni Coco Martin, kaya mababayaran na niya ang hospital bill na P80,000 sa Adventist Medical Center Manila sa Pasay City.

Makukuha na niya ang death certificate ni Kristofer, kaya tuloy ang libing nito sa Marso 3, Linggo ng umaga, sa Manila Memorial Park, Sucat Rd., Parañaque.

“Hindi na ako nag-iisip. Hindi na ako kinakabahan,” napangiting sambit ni Nikki.

“Siyempre, dito [Rizal Funeral Homes], ang mahal-mahal ng araw! Four thousand sa isang araw, e!

“Habang tumatakbo ang araw, kailangang makalikom ako ng ganito-ganito-ganito, ganyan-ganyan-ganyan...”

 IMAGE Jerry Olea / Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER: Kapuri-puri ang mga katulad ni Coco Martin at iba pang kasamahan natin sa industriya na patuloy na tumutulong sa naiwang pamilya ni Kristofer King.

 IMAGE Courtesy of Joan Alegre

Wake-up call din ito sa mga aktor na dapat talaga ay maging aktibo sa kanilang guild para may sistema ng pagtulong sa mga nangangailangang taga-industriya at hindi lang iaasa sa magmamagandang-loob para sumagot sa mga gastusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano kung walang katulad ni Coco na tutulong?

Let us not leave it to chance. Sabi nga ng OPM President Ogie Alcasid, may ganoong mekanismo sa mga mang-aawit, sana ay mas matibay pa at institutionalized ang sistema sa mga artista at iba pang kabahagi natin sa showbiz.

JERRY OLEA: Nakalikom ang katotong si Jun Lalin (with the help of KC Guerrero) ng P22,500 bilang abuloy sa pamilyang naiwan ni Kristofer King.

Saksi ako nang iabot iyon ni Jun kay Nikki nitong Pebrero 25, Lunes ng gabi.

Kabilang sa mga nag-abuloy sina Gorgy Rula (buena mano), Rex Tiri (ng T-Rex Entertainment), Ihman Esturco, at mga entertainment press na sina Isah Red, Nestor Cuartero, Aster Amoyo, Nora Calderon, Ed de Leon, Lito Mañago, Ervin Santiago, Maricris Nicasio, Jojo Panaligan, Ambet Nabus, Anna Pingol, Salve Asis, Wendell Alvarez, Nonie Nicasio, Jobert Sucaldito, Nitz Miralles, Allan Diones, at Jun Lalin.

Nawa’y pagpalain pa kayo ng Panginoon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA: "Pamilya na namin si Kristofer. Hindi ko siya puwedeng pabayaan," sabi ni Coco sa ilang kaibigang nandoon sa burol, pagkatapos niyang makausap ang asawa ni Kristofer.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results