TV Ratings: Pasilip ni Korina sa twins nila ni Mar sa Rated K, may epekto ba sa ratings?

IMAGE Instagram

GORGY RULA: Tumutok ako sa Rated K ni Korina Sanchez noong Pebrero 24, Linggo, pero nadismaya ako dahil parang teaser lang pala ang inilabas niya tungkol sa kambal nila ni dating Secretary Mar Roxas na sina Pepe & Pilar.

Hindi niya idinetalye ang kung paano nila nabuo, dahil parang gagawin nilang series ang kuwento nito.

Ilang linggo raw nilang ilalahad kung paano nabuo sina Pepe & Pilar, kaya iniimbitahan niya ang lahat na subaybayan ito.

Hindi iyon umepek sa televiewers dahil inilampaso pa rin ito sa rating ng katapat niyang Kapuso Mo, Jessica Soho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Korina Sanchez & Jessica Soho
 IMAGE Instagram

Ayon sa AGB NUTAM, naka-19.2% ang KMJS, samantalang 9.7% lamang ang Rated K at 5% lamang ang PBB Otso.

Nagtuluy-tuloy ang mataas na viewership sa The Boobay and Tekla Show na naka-7% kontra sa 4.7% lamang ng Gandang Gabi Vice.

Pati ang Sunday Night Box-Office ay 3.7%, at 1.1% lamang ang Sunday’s Best.

Ano kaya ang sagot ng Kantar Media?

JERRY OLEA: Weakest link sa weekend (Sunday) programming ng ABS-CBN ang Rated K.

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Pebrero 24, Linggo, naka-25.1% ang Rated K at naka-12.1% ang PBB Otso kumpara sa 30.3% ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Sa puntong ito ng buhay ni Mommy Koring, hindi niya alintana ang ganyang ratings.

Nag-uumapaw ang ligaya sa kanyang puso at priority niya sina Pepe & Pilar. Maengganyo kaya si Bb. Jessica na magkaroon ng anak sa tamang panahon?

Oo, talo rin ang Sunday’s Best (Harapan 2019 The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate) na naka-2.6% lamang kontra sa SNBO (The Sniper) na naka-4.8%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang Gandang Gabi Vice ay naka-9.7% sa Kantar Media, kontra sa The Boobay and Tekla Show na naka-9.1%.

Hindi ko masyadong naramdaman sa socmed ang "Miss Q and A InterTALAKtic 2019: The Final Chukchak... Vaklang Twooo" noong Pebrero 23, Sabado.

Pero nagtala ang It’s Showtime ng 27.4% noong Sabado, kumpara sa Eat Bulaga! na naka-10.6%.

Ang MMK ("Lotion") ay naka-26.1%, kumpara sa Magpakailanman ("Mula Zamboanga Hanggang Sementeryo: The Ethel Nierras Story") na naka-15.1%.

Wish ko na i-replay ng Magpakailanman sa Marso 2, Sabado ng gabi, ang episode na "Bayarang Adonis: The Kristofer King Story" na pinagbidahan ni Aljur Abrenica.

Sa Sabado ang “big night” ni Kristofer sa Rizal Funeral Homes, Cementina St., Pasay City.

Ihahatid ang mga labi ni Kristofer sa Marso 3, Linggo ng umaga, sa Manila Memorial Park, Sucat Road, Parañaque City.

NOEL FERRER: I’m sure, hindi ‘yan ang una at huling feature kina babies Pepe & Pilar.

Aabangan pa natin kung paano ito makakatulong sa pag-inspire ng mga tao kung paano maging mas mabuting mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Plus, inaabangan kung paano ito makakatulong sa ratings—hindi lang ng Rated K ng kanilang ina, kundi maging sa senatorial bid ng kanilang ama.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close